Chapter 6

183 14 3
                                    

Ramdam ko ang kakaibang pakikitungo saakin ni Kisses ilang araw na ang nakakaraan.

Hindi ko alam kung dahil ba may iba pa ulit akong ginawang masama sakanya. Or inamin na ni Edward ang lahat.

Naalala ko nung nakaraan, bago kami umuwi ni Donny galing kila Kisses ay sinabi nyang malalaman at malalaman ni Kisses ang tungkol sa amin ni Edward.

Nagalit pa nga ako sakanya dahil alam kong kung malalaman ni Kisses ay sure akong sya ang may kasalanan non.

Naalala ko pa na sinabi nya non,

"Kung maiipit ka sakanila, sabihin mo ako ang boyfriend mo."

Eew! As if naman na gagawin ko yun.

Hindi ko na kailangan magpanggap na boyfriend ko sya para lang mailigtas ang sarili ko.

Unggoy talaga yun!

Haaayyyy, kahit anong alis sa isip ko, hindi ko magawa. Alam ko naman kasi talaga pero dinedeny ko lang din sa sarili ko na di ko alam.

Balita ko ay di rin naguusap si Kisses at si Edward pero hanggang ngayon ay di pa din ako kinakausap ni Edward.

Miski si Vivoree ay palaging kay Kisses nakasama.

Wala akong kasama magiisang linggo na. Minsan nga naiiyak nalang ako kasi makikita ko sa facebook umalis yung dalawa, hindi manlang ako inaya.

Kumbaga kahit kasama ako ay na OOP ako.

Lalo kong gustong hanapin si Edward pero mas lalo itong hindi na nakakausap. Miski sa phone ay nakablock na ako.

Tulad ngayong lunch, ako lang magisa. Kumakain lang ako ng zesto at turon dahil bukod sa wala akong gana ay wala din akong pera.

Naiisip ko na din namang tumigil noon dahil nga sa dinaranas nila Kisses. Kung gaano sila nasaktan sa daddy nila. Alam ko at kilala ko si Kisses.

Hindi ko namalayan na umiiyak nalang ako sa ngayon. Wala pa mang nakakaalam ay nasasaktan na ako. Ito pala ang kapalit ng lahat ng iyon.

Pagtapos ng inuman ay okay pa naman kami ni Kisses.  Hindi ko lang maintindihan kung kailan tumigil na ako ay saka nya ako ginaganito.

Paghinga ko ng malalim ay may kumuha ng kinakain kong turon.

"Ikaw na naman?"

"Mukhang mag-isa ka na naman madame."

Hinga lang ng malalim ang sagot ko.

"Nakita ko nasa jollibee sila Kisses at Vivoree ah? May problema kayo?"

Patuloy sya sa pag ngata ng turon ko.

"Siguro nalaman na ni Kisses na ikaw ang isa sa mga nanloko sakanya no?"

Kumunot ang noo ko. Gusto ko magalit sakanya pero mas naiinis ako sa mga nangyayare.

Well itong unggoy na to ay may sense din ang sinasabe minsan kahit masakit.

"Siguro this is the consequences of your actions. Alam na ngang mali, ginawa pa. Alam namang makakasakit tinuloy pa. Alam mo, you're selfish."

"Stop!"

"Why? Ayaw mo marinig ang totoo?"

Inayos ko na ang gamit ko at umalis nalang sa kinauupuan ko kanina.

Konti nalang ay sasabog na ako kaya hangga't maaari ay iiwas nalang ako. Ayaw kong umiyak dito.

"Where are you going? Cut your class again?" hinawakan nya ang braso ko at agad ko iyong pinalis.

In a Relationship with Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon