Chapter 10

223 20 4
                                    

Tatlong linggo nalang at semester break na. Tinawagan na din ako sa maliit na coffee shop.

Mabuti nalang talaga at marami din akong pinasahan ng resume dahil madalas ay hindi naman talaga tumatawag ang iba.

Pagtapos ng last subject ay nagpaalam na ako kila Kisses. Alam na alam nila na ganito ako kapag matatapos na ang semester. Sa school ay medyo nakabawi naman ako sa mga absents ko.

Talagang bumawi ako sa mga activities. Mataas din ako sa ibang tests.

Maaaring hindi ganon ang grades ko ngayon pero sure akong hindi ako babagsak.

Si Donny ay nasa practice nila ngayon.

Hindi ko din sure sa lalaking 'yun kung ano ang trip kung bakit ginagawa pa nya yung mga typical na ginagawa ng mga boyfriends.

Okay naman sakin kahit hindi na. Naniniwala naman na sila na sya ang jowa ko.

Nabanggit din sakin ni Donny na nababawasan na din daw yung mga babaeng lumalapit sakanya simula ng maging kami.

Ayun naman ang gusto nya. Siguro pafall nga sya, pero hindi nya gusto talaga ng atensyon ng marami.

Sa lahat nga, ako pa ang pinagttripan.

Nasisiyahan sa laro nya.

Pati pamilya ko dinadamay pa nya sa mga kalokohan namin. Hindi ko tuloy mashare na hindi totoo yun dahil sasabunutan ako ng nanay ko pag nalaman nyang ginawa ko yun kay Kisses.

Malaki ang utang na loob namin sa pamilya ni Kisses dahil nung magkasakit si Ate Lovely ay sinagot ni tita Jodi ang hospital bill ng ate ko. Almost 50,000 yata ang nilabas nilang pera sa ate ko.

Nagjeep lang ako papuntang city hall para kumuha ng mga requirements ko sa trabaho.

Kakatapos ko lang magpahealth certificate ako ng makita ko ang tawag ni Donny saakin.

"Nasan ka na naman?"

Minsan nagbiro sya sakin, na baka mayron na naman daw akong kalokohang ginagawa na katulad ng kay Edward. Madalas din itong naghahanap sakin dahil baka palihim na naman daw kaming nagkikita ni Edward. Pag nalaman daw nya ay talagang magsasalita na sya kila Kisses.

"Busy pako. Mamaya nalang."

Pinatayan ko sya ng phone kaya naman mabilis din ang tawag nito ulit.

"Hoy Mary Dale Entrata! Wag mokong pagpatayan! Tinatanong ko nasan ka!"

Ay wow te? Galit na galit ang koya mo! Nagbuo na ng pangalan.

"Uwi na din ako maya maya."

"Nababadtrip nako seryoso, nasan ka?!"

Huminga ako ng malalim.

"Nasa bayan."

"San dyan?!"

"Basta uuwi na k-"

"San dyan?!" mas inis sya base sa boses nito.

Ang init ng ulo te?

"Naglalakad ako pero ngayon nasa tapat ako ng National Book Store."

"Pumasok ka sa loob nyan, puntahan na kita."

Saka ako pinatayan.

Mag 20 minutes na ako sa loob. Mabuti nalang at hindi ako napapagkamalang magnanakaw dito dahil paikut-ikot lang ako.

Nakita ko ang book ni jonaxx kaya manghang tinitingnan ko isa isa. Wala naman akong pera kaya naman maswerte akong nabasa ko ng libre sa wattpad ang mga ito.

In a Relationship with Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon