Chapter 32

608 23 12
                                    

"Ako na po ang bahala sakanya, magpahinga nalang po kayo ate Kai."

Napamulat ang mga mata ko at naaninag ko agad ang maliwanag na ilaw ng ospital.

"Hindi na, ako na ang bahala pogi. Ayan, kumain ka muna."

Paglingon ko ay nandoon si ate Kakai at si Donny.

"Kakain po ako kung papayagan nyong ako magbantay ngayong gabi kay Da-le."

Napataas ang kilay ni ate.

"Sa umaga po ay papayag na po akong hindi, basta ako po ang susundo sainyo pauwi."

Agad ang iling ni ate.

"Sila Kisses ang susundo na. Napagusapan na namin yon matagal na."

Nagpout si Donny.

Pinagdakop nyo ang palad nya at nagpacute kay ate. "Sige na ate, promise aalagaan ko talaga sya miski ngayong gabi lang po."

Umirap si ate habang kumakain ng burger.

"Oo na sige na! Wag mo lang sstressin tong si Da-le dahil lagot ka saken!" pinakita nito ang kamao nya.

Sinikap kong umupo sa kama kaya naman nakuha ko ang atensyon nilang dalawa.

Sabay pa silang kumilos para puntahan at alalayan ako.

"Anong nararamdaman mo, Dale?"

Umiling ako.

"Okay na ako. Kaso gutom na ako."

Pinagiingat ako ng doctor sa pagkain.

Pinaghanda ako ni ate ng pagkain habang si Donny naman ay nakatitig saakin.

"Ano?"

Maraming tumatakbo sa isip nya base sa pagbasa ko sa mga mata nito.

Parang naiiyak na ewan.

"Oh eto, damihan mo kain mo."

Hindi ako kumportable kumain dahil sa klase ng pag aalala ni Donny. Hindi nawawala ang tingin nito sakin, para bang alagang alaga akong talaga.

"Ako ang magbabantay sayo ngayong gabi, love."

Tinalasan ko ang tingin ko sakanya.

Mukhang hindi manlang sya naapektuhan sa tingin kong iyon.

"Oh, bakit?" tawa nito. "Pag labas mo dito, liligawan ulit kita."

Inabutan nya ako ng tubig habang aroganteng nakangiti.

"Sa ayaw o sa gusto mo, akin ka." sabay kindat at tawa nito.

"Kapal naman ng mukha mo." pagtataray ko.

"Bakit ikaw nandito? Sasakit lang ulo ko sayo."

Nawala ang kaninang masaya nyang itsura.

"Hindi mo ba ko namiss?"

Sa totoo lang ay miss ko sya. Ayoko lang ipakita dahil naiinis pa din ako sakanya.

Nasa isip ko pa din ang mga ginawa nya sakin.

Hindi nya ako pinagkatiwalaan sa sitwasyon kaya ako nasaktan ng sobra. Kung sinabi nya nung una palang ay sigurado akong hindi ako nakaramdam ng ganito sakanya.

"Wala ka naman ng magagawa."

Ipinakita nya sakin ang mga gamit nya at mga pagkaing binili nya.

"Eto oh, dito ako matutulog."

Nakaayos na ang tutulugan nito kaya naman natawa lang ako.

NagCR lang ako pagtapos kumain at naghilamos. Todo alalay naman itong isa na akala mo may malubhang sakit ako.

In a Relationship with Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon