Chapter 17

226 21 7
                                    

Ang awkward.

Hindi ko talaga maiwasan na hindi mapatingin kay Donny na ngayon ay naghihintay na sakin. Anong oras palang pero nandito na sya.

"Bakod na bakod ka ng jowa mo ha." natatawang bulong ni ma'am Mika na kaduty ko ngayon.

Medyo namula ako sa part na 'yon.

Marami na namang tao pero na kay Donny lang palagi ang mata ko.

Paminsan ay pumapasok ako sa loob para kausapin si Aljon.

Wala naman talagang something or anuman pero parang need ko pa din sabihin na nagseselos si Donny sakanya.

Gumagawa ng sandwich si Aljon ng puntahan ko.

"Hi."

Ngumiti ito sakin ng matamis.

"Hi."

Lumapit ako sa table at sumandal.

"Kamusta ka?"

"Okay naman." ngumiti ito. "Salamat nga pala kagabi na sinamahan moko."

"Huy ano yan? Magkasama kayo kagabi?" singit ng senior staff na si sir Lebi.

Nagtawanan sila at mukhang nanunukso pa.

"May problema lang sya kaya sinabayan ko umuwi. Nu ba kayo!"

"Huuuuuu"

Kinabahan ako ng mapansin kong may matinik na nakasilip sakin mula sa counter.

May butas kasi sa kitchen na makikita sa counter. Doon nilalabas ang mga foods na iseserve, at yes, ang kuya mo Donny ay nandon at nakatingin ng masama saakin.

Napaatras ako ng kaunti at bumalik sa counter.

Shocks!!

Malamig ang pakikitungo nito sakin ng bumili ng coffee and cheesecake.

Natatawa nga si ma'am Mika dahil napapansin na din nya ang kilos namin ni Donny.

"If you're uncomfortable sa ginagawa nya, sabihin mo na sakanya. Mahirap magtrabaho kapag ganyan." banat ni ma'am Mika.

Totoo naman.

"Seloso no?" natatawang sabi nito habang nagpupunas ng countertop. "Gwapo sya."

Minsan nga nagiisip ako, paano kayang ako ang gusto ni Donny.. char! Bakit kaya ako ang napili nya para gantuhin nya? Awts gege.

Matatapos na ang shift ko ng 2pm at mukhang bunsol na ang costumer namin. Kanina pa kasi bili ng bili ng kung anu ano.

Si Aljon talaga ang di ko matimingan.

Baka din kasi akalain nya na nagfifeeling ako.

Eto kasing monggoloid na to, hindi tatahimik hangga't hindi ko nagagawa.

Naglilinis na ako para sa papalitan kong si sir Crismar ng magkasabay kami ni Aljon sa pagpasok sa crew room.

Ngumiti agad ito sakin.

"Sabay ulit tayo?"

Umiling iling ako.

"Why?" nagpout ito.

Ang cute ng batang ito. Mas matangkad sya sakin pero mas matanda ako sakanya.

"May sundo." ngiti ko.

Eto na, sisimulan ko na.

"May boyfriend ka na ba?"

Tumango ako.

In a Relationship with Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon