Chapter 12

440 25 6
                                    

Nasa labas ako ngayon ng gym. Hindi ko sure kung papasok ba ako para sumilip o hindi.

Ito ang pinakatahimik na araw ko. Hindi nagparamdam sakin si Donny. Wala miski ano.

Maingay sa loob. Sigawan at takbuhan ang maririnig mo. May training yata sila.

Unti-unti kong ibinukas ang pinto at sinilip ang laman ng court.

Nakita ko si Kuya Nikko at Robi pero mukhang wala si Donny. Wala kaya sa loob yun or sa CR?

Nagluto pa naman ako para sakanya, kaso mukhang ako nalang kakain nito.

Paglabas ko sa gym ay napansin kong nakaonline ito kaya tinawagan ko sya sa messenger.

Napakatagal nya bago sagutin kaya nairita muna ako sakanya.

"Miss mo agad ako, love?"

Sya ang naglagay sa videocall. Salamat sa libreng wifi ng university namin.

Napansin kong nakahiga pa ito.

"Hindi ka pumasok?"

Tumango ito.

"Bakit?"

"Naglunch ka na ba? Im sorry hindi kita madadalhan ng pagkain."

Pinakita ko sakanya ang lunchbox na dala ko.

"Pinagluto kita, kaso mukhang ako nalang muna ang kakain nito."

Kumunot ang noo nya.

"Kuhanin ko."

"Nasa bahay ka e. Okay lang next time-"

"Wait for me."

Pinatay nito ang tawag.

Doon ko narealize na mukhang may nararamdaman itong hindi maganda lalo at naulanan sya kagabi.

Pag mga ganyan, seryoso syang pupunta. Kaya naman ito ngayon ang kuya mo, nakajacket.

"Ayos ka lang?"

Malaki ang ngiti nya saakin.

"Nasan na yung luto mo?" excited ito.

Pinakita ko sakanya ang lunchbox na may kanin at ulam.

"Thankyou!"

Hindi ko alam na ganon ang magiging reaksyon nito. Para syang bata.

Paubo ubo sya kaya naman hinipo ko ang noo nya.

Mainit ito.

"Hala, ang init mo."

Kumindat ito.

"Im okay, love. Dont worry." inayos nya at binuksan ang motor. "Or better if alagaan mo ako?"

Natawa ito.

"Joke lang." iminwestra nito ang papasok ng gate. "Pasok na."

Nagpout ako.

Ewan ko pero iba din ang araw pag kasama mo tong kolokoy na to.

Sumakay ako sa motor nya.

"Okay, sama ako."

Nabigla ang mukha nitong nakatingin sa akin sa likod nya.

"Are you sure? Ako lang sa bahay."

"Wala ka namang gagawin sakin e."

Natawa ito. "Hindi ko sure."

Nakita ko na agad ang malaking pangalan ng subdivision nila.

Nakatingin ang guard na bumati kay Donny.

In a Relationship with Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon