Chapter 7

194 16 2
                                    

"Okay lang 'yan May. Okay lang 'yan." bulong ko sa sarili ko.

Sobrang sakit ng paa ko dahil sa nagmamadali akong pumunta sa covered gym. Tama pala ang instinct ko na magflat shoes muna ngayong araw dahil ganito ang kalalabasan nito.

Mangiyak ngiyak ako ng buksan ko ang main door ng gym.

Mga lalaking pawisan ang nagppractice dito ngayon. Napairap nalang ako dahil bago lumapit sakin ay nagshoot muna ito ng three points.

Malaki ang ngiti nito saakin. Para bang excited na excited ito na makita ako.

Nagapiran sila ng mga kateam nito at nagtawanan.

"Hi, love!"

Oh, fudge.

Umirap ako at inabot ang inuutos nyang bottled water.

"Sungit." Kumindat ito at kinuha ang boteng hawak ko.

Eew.

"Kamusta naman? Okay na?"

Irap lang ang isinukli ko sakanya.

As if naman na gusto nya din tong pinag gagagawa namin.

Ewan ko ba naman sakin at bakit ako nadala sa kaba ko at itong lalaking ito ang sinabi ko. Kainis!!!

"Okay na? Balik na ko sa room, may quiz kami." Iritang sabi ko.

Inabot nya sakin ang bench bath na hawak nito habang nakangiti ng nakakaloko.

"Punasan mo muna yung mahal mo." ngisi nito.

Ughhhhhh, ano ba tong pinasok ko?!

Maling maling maling mali ako!

Nakikita ko ang tinging nanggagaling sa mga players na nandoon sa loob. Sila ang mga varsity ng school.

Nakangiti si Kuya Nikko at Robi habang nakatingin saamin ni Donny. Natatandaan pa nga daw nito nung una nya kaming makita ni Donny sa labas ng gym at may binigay akong milktea.

"Donny ano ba?! Bilisan mo nalang at baka may makakita pa lalo satin."

Tumalas ang ngisi nito at pinunasan ang sarili nyang pawis. Infairness, ang bango nya kahit pawisan.

"Tulad ni?"

"Shut up!!"

Halos mapunta ang lahat dugo ko sa ulo ko dahil alam ko ang ibig nyang sabihin.

Alam kong naguguluhan ang lahat sa ganap na to. Miski ako naman, hindi ko alam itong pinasok ko na to. At kung mababalik ko lang ay sana hindi ko nakilala tong taong to!

--

"To clarify things lang, si Edward ba yung sinasabi mong boyfriend mo?"

Humindi ako. Tutal sabi naman niya ay hindi naging kami at ako lang ang nagaassume.

"Eh sino pala?"

Wala. Wala naman pala akong boyfriend dahil ako lang pala ang nakakaalam kahit na parang meron naman talaga.

Matagal ako bago nakapagsalita dahil kung sasabihin kong wala talaga ay mapapahiya ako at maisusure nya na si Edward nga iyon.

Eh sabi nga ni Edward hindi daw naging kami.

Malakas ang kalabog ng pinto sa pagdating nila Kuya Nikko sa bahay. Dumiretso sila sa kusina para uminom ng tubig.

Andon si Donny at hindi ako pinapansin dahil na rin siguro sa pagaaway namin nung nakaraan.

"Why so serious guys?" bati ni kuya Nikko. "Para kayong mga namatayan dyan."

Wala akong ibang naiisip kundi ang sinabi ni Donny sakin noon.

In a Relationship with Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon