Chapter 23

264 24 10
                                    

Antok na antok ako ngayon sa minor subject namin. Sobra akong nanlalata kasi medyo pagod ako sa trabaho kagabi.

Mabuti nalang at hindi ako napapansin dahil talagang wala akong energy.

Bago matapos ang subject ay nagpaquiz. Hindi ko alam kung may tama ba akong sagot don.

"Okay lang ba talaga na pagsabayin mo bes? Baka maapektuhan pagaaral mo?" sabi Kisses.

"Keri naman." ngiti ko.

Binunggo nya ako ng mahina. "Gusto mo lang ata don kasi..." ngumuso sya.

Halos magtriple ang laki ng mga mata ko nang makita si sir Joao na nasa gate at kumakapa ng phone.

Nakakunot ang noo nito.

Napansin ko din ang ilang babaeng nakapalibot at nakatingin sa kanya.

Girls, kung alam nyo lang kung gano kasungit 'yan nako.

Narinig ko nalang ang pagvibrate ng cellphone ko.

Tumatawag si sir Joao.

Tiningnan ko muna ang dalawa sa tabi ko bago sagutin ang tawag.

"Hello?"

Hindi pa din ako nagpapakita sakanya.

"Hello, nasan ka?" sabi ng nasa kabilang linya.

"Ikaw nasan ka?" Balik ko sa tanong nya.

Lingon sya ng lingon at may iilang babae talaga ang nakamasid sakanya.

"Nasa malapit ako sa school mo. Tapos na ba class mo? Sabay na tayo sa store."

Malapit sa school ko? Hehehe. Eh andito sya mismo sa gate ng school namin. Duh!

"Sir, kita kita mula dito."

Lumingap lingap sya kaya itinaas ko ang kamay ko.

Umubo sya at yumuko.

"M-may nadaanan lang ako dito kaya ako bumaba."

Oh kay...

Ibinaba ko ang telepono at lumapit sakanya.

Medyo namumula ang pisngi nya.

"Ano?!" galit na bulyaw nya sakin habang nakatingin ako sakanya.

"Ano rin?!" balik ko.

"Tara na!"

"Saan?"

Naguguluhan ang tingin nito.

"Malamang sa store." inis na sabi nito.

Inirapan ko sya at ngumiti. "Sir, dayoff ko today."

Napapikit sya ng ilang beses at umirap sakin.

"Yep, alam ko." tatango tango sya na natatawa.

Ginaya ko sya at nagtawanan kami ng awkward.

"So, saan ka ngayon?"

Tinuro ko ang kahabaan at daan pauwi samin.

"Uuwi na po."

Tumaas ang kilay nito.

"May gagawin ka ba today?"

"Da-le?"

Umangat kaagad ang balahibo ko ng marinig ko ang boses na iyon. Kumalabog ang dibdib ko.

Hindi ako pwedeng magkamali.

"May!" si Kisses ang sumunod na tumawag saakin. Nakasimangot ito habang nakatingin sa likod ko.

In a Relationship with Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon