Chapter 16

187 24 4
                                    

"Bat ba ang saya saya mo dyan?"

Hindi mawala ang ngiti ni Donny habang iniinom ang binigay kong coffee sakanya.

Nandito kami sa 7eleven dahil sa sobrang excited sya sa cupcakes na binigay ko.

"Thankyou dito." pinakita pa ito sakin bago kumagat. "Mas masaya lang kasi galing sayo." kindat nito.

Natawa lang ako. Parang bata.

Kumagat ako ng siopao habang sya ay busy naman sa pagkain ng cupcakes.

"So bakit di mo sinabing birthday mo kahapon?"

Nagkibit balikat lang sya.

"Nagtatampo talaga ako, but then, mas inenjoy ko yung moment kasama kayo. And yon, ang saya saya dahil kayo ang nakasama ko."

Binaba ko ang kinakain ko.

Naalala ko kasi yung ganap kanina.

"Bakit hindi mo kasama family mo?"

Medyo napatigil sya sa tanong ko. Bahagya nya pang tinanggal ang icing na napunta sa gilid ng labi nya.

Shocks, sana all.

Joke!

"I just like it with you."

Wala naman akong masabi.

Natameme na naman ako.

Pero gusto ko 'yon. Napapangiti ako..

Nung nakita nyang bahagya akong ngumiti ay ngumiti din ito.

"Napangiti kita."

Kinain ko nalang yung natitirang siopao ko. Ayoko namang makahalata tong unggoy na to.

May kinuha sya sa bulsa nya at pinakita sa harap ko.

"Ate Bianca wants to give this to you nga pala."

Napakunot ang noo ko.

"Ano yan?"

Nagkibitbalikat ito. "Dunno. Pinabibigay lang e."

Binuksan ko ang maliit na itim na box.

"Wowwww!" Manghang mangha ako.

Isa syang korean clip na nauuso nung nakakaraan. At ang cute nito.

"Si mom pumili."

Napalaki ang mata ko sa sinabi nito.

"Mommy mo?"

"Yeah."

Napangiti ako dahil sa sobrang interesado akong malaman ang tungkol sa mommy nito.

"Medyo masungit mommy mo no?"

"At first." bahagya syang natawa pero patuloy pa din sya sa pagkain.

Nakakatakot ang mommy nito pero nakahinga ako ng maluwag dahil dito sa clip na 'to.

Sana kung makikita ko ulit sya ay nasa maayos ako, like yung fresh naman sana.

--

"Ano ba?!"

Ang aga aga naman nambbwisit ng monggoloid na to.

"Donato!! Bigay sakin yan nila ate Bianca!!"

Pano ba naman kasi, ang ganda ganda at feel na feel ko yung clip tapos tatanggalin at itatago sakin.

Ang tagal tagal kong inaayos ng buhok ko para naman maging maganda ako.

Nakakunot ang noo nya.

"Saka mo lang 'to isusuot pag kasama mo lang ako."

In a Relationship with Donny PangilinanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon