Chapter theme song: Electric Indigo - The Paper Kites
Day 261...
NORTH
PINANOOD kong maglakad si Drenner papalapit dito sa pwesto kung saan ipinarada ko ang motor ko. Nauna na kong lumabas kanina nung nagsimula na silang maglinis at mag-ayos ng mga upuan para magsara. Baka kasi mautusan pa ko ni Ate Parker. HAHA.
"Uy salamat sa paghihintay ah. Buti hindi ka nainip." sambit ni Drenner nang sandaling makalapit na sakin.
"It's fine. Hindi naman masyadong nakakainip." sambit ko at naalala ang pagkanta niya kanina sa bistro. "Tsaka alam ko namang maaga kayong magsasara ngayon since it's Sunday."
Bigla namang ngumiti nang mapang-asar si Drenner. "Yieee. Bat alam mo kung kelan ang tapos ng shift ko? Yieee ikaw Hilaga ha."
"Luh? Parang ewan. Parang di ko ka-close boss niyo ah." natatawa kong paliwanag.
"Ay akala ko pa naman. Sorry, assumera lang." biro ni Drenner.
Napailing na lamang ako habang kinukuha ang helmet ko. Bahagya naman akong nagulat nang makitang inilalabas ni Drenner mula sa kanyang bag ang Spongebob nitong helmet na ginamit niya dati.
I chuckled. "Kaya naman pala ang tambok ng bag mo. Dala-dala mo pala yan."
Isinuot na niya ang helmet. "Palagi akong ready." pagmamalaki niya pa.
Isinuot ko na rin ang helmet ko at sumakay na sa motor. Hinihintay kong makasakay si Drenner pero wala akong nararamdaman na sumampa sa motor ko kaya nilingon ko siya at nakitang nagkakabit pa rin siya ng buckle ng helmet.
Bumaba na lang ako sa motor ko at nilapitan siya. "Ako na. Napakatagal mo." pagrereklamo ko at kinuha mula sa kanya ang strap para ako na ang magkabit. "Dapat matutunan mo nang magkabit nito." dagdag ko pa. Palagi siyang nakikisama sa mga lakad ko kaya dapat matuto na siyang magkabit lagi ng helmet.
Napatingin naman ako sa mga mata ni Drenner. Doon ko lang napansin na kanina pa pala siya nakatingin sakin.
Bigla akong hindi mapakali. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya pagkakabit ko ng buckle ay mabilis kong ibinaba ang face shield ng helmet para maharangan ang mukha niya.
"Ay grabe siya." komento ni Drenner.
"What a maderpaking sweet couple." Nakarinig kami ng pumapalakpak kaya sabay kaming napalingon ni Drenner at bumungad samin si Hedrix.
"Akala ko nakauwi ka na." sambit ko.
"Makiki-third wheel ako sa inyo. Pwede?" nakangiting sambit ni Hedrix na para bang nagpapaalam sakin.
Napangiwi naman ako. "Alam mo ba kung san kami pupunta?" tanong ko.
"Aba syempre. Pupunta kayo sa bestfriend ni Drenner para magpapasa ng banned movies." nakangisi niyang sambit na animo'y nagmamalaki.
Napatingin naman ako kay Drenner. "You told him?" tanong ko sa kanya.
"Oo. Bakit? Bawal ba?" inosente niyang sagot.
Napasimangot naman ako. Akala ko pa naman ako lang sinabihan niya. Sana niyaya na rin niya si Arvie para mas masaya. Tch.
BINABASA MO ANG
If My World was Ending
Teen FictionFor them, wedding day is the start of a new life. For me, wedding day is the end of my life. Literally.