Chapter 5: Kiss a Stranger

26 0 0
                                    

Chapter theme song: Life Like This – The Maine


Day 251...


NORTH


"ANAK ng pucha! Nandito ka na naman, North."


    
Natawa ako sa reaksyon ni Arvie nang sandaling makapasok ako sa bistro. Kahapon kasi ay nandito rin ako. Pati nung isang araw. At nung isang isang araw. Pero hindi tulad noong mga nakaraang araw, nandito lang ako ngayon para tumambay.


    
I walked towards my usual spot and sat comfortably on the couch. "The usual order, Ate Parker." sambit ko.
    
"Ikaw ba'y araw-araw may ka-blind date at palagi kang nandito? Iba-iba katagpo mo dito sa bistro kada araw ah. Harot naman." komento ni Ate Parker.
    
"Hindi ko yun ka-blind date. Wag ka mag-conclude ng mga ganyang bagay, Ate Parker. Nagseselos si Arvie eh." nakangisi kong sambit sabay kindat kay Arvie na abala sa pag-aayos ng mga upuan. Kakabukas lang kasi ng bistro at wala pang dumadating na customer bukod sakin.
    
Napangiwi naman si Arvie. "Ulol. Hindi tayo talo. Pareho lang tayo ng hanap." tugon niya.
    
"Wala kang mapapala dyan, North. Pinaasa lang din ako niyang tibong yan." saad ni Hedrix na mukhang kakatapos lang magbihis ng kanilang uniporme.
    
"Wala akong sinabing magkagusto kayo sakin. Not my fault." depensa ni Arvie sabay taas ng kanyang dalawang kamay.


    
Napatawa na lamang kami pareho ni Hedrix.


    
Hedrix and Arvie are both employees here in Elpizo bistro. They are working here since day 1. Kasabay nila si Jap, yung nagresign at pinalitan ni Drenner. Kahit pa mas matanda sila sakin ng dalawang taon siguro, napalapit na rin ako sa kanila dahil palagi rin naman akong nandito noon pa man.
    
I even had a crush on Arvie back then, before I knew she's into girls. Pati si Hedrix, nagka-interes din kaso it's a prank!


    
Nagpalinga-linga naman ako sa paligid nang mapansing wala pa si Drenner. "Mukhang late si Drenner ah." komento ko.
    
Nagulat ako nang biglang hinampas ni Arvie yung lamesa sa harap niya. Miski sina Ate Parker at Hedrix ay napatingin din sa kanya. "Oh, tingnan niyo. Lumabas din ang tunay na dahilan kung bakit lagi siyang nandito." sambit niya.
    
Napangisi ako. "Wag kang magselos." pang-aasar ko kaya agad akong binato ni Arvie ng basahan na nakalagay sa tagiliran niya.


    
Natigil lang kami sa pagbabangayan nang tumunog ang chime sa entrance ng bistro, indikasyon na may pumasok na customer. Pero mukhang hindi customer ang dumating, pakiramdam ko ako ang pakay nito eh.


    
"Sabi ko na nandito ka eh." bungad sakin ni Brevin habang naglalakad papalapit sa pwesto ko. "Yow what's up, Ate Parker? Oorder naman ako, wag ka mag-alala." pagbati niya kay Ate Parker na abala sa harap ng kahera.
    
"Aba dapat lang." pabirong tugon nito.


    
Dahil naging kapitbahay namin sina Ate Parker dati, kilala na rin niya si Brevin dahil bestfriend ko na 'to simula pagkabata. Lahat na nga ata ng kakilala ko, kakilala rin ng lokong 'to.


    
"Pustahan, pinahanap ako ni Jammy sa'yo." natatawa kong hula.
    
Napabuntong-hininga naman si Brevin at umupo sa tabi ko. "Ano pa nga ba. Alam mo namang hindi ako maka-hindi sa kapatid mo." pag-amin niya.
    
Bigla namang sumulpot sa tapat ng table namin si Arvie. "Maganda kasi ang kapatid mo, North. Mahirap tanggihan." sambit nito habang may malapad na ngiti sa mukha.
    
"Alam kong mas matanda ka samin, Arvie. Pero konting respeto 'no? Nandito yung totoong ka-loveteam ni Jammy." saad ni Brevin sabay turo sa sarili niya. Ang lakas naman pala, haha.
    
Napangiwi naman ako kay Arvie. "Hoy Arvie, straight kapatid ko. Di ka nun papatulan." diretsa kong tugon.
    
Ngumisi naman si Arvie. "Di kayo sure." sambit niya. Para siyang serial killer sa sinabi niyang yun.

If My World was EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon