Chapter 9: It's Nice to Have a Friend

19 0 0
                                    

Chapter theme song: Young & Unafraid – The Moth & The Flame


Day 256...


ILANG minuto na ring nakatitig si North sa kisame ng kanyang kwarto. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin siya sa nangyari kahapon sa Palemio. Hindi maalis sa isipan niya si Jap. Noong nakita ni North ang dating kaibigan ay ibang-iba na ang itsura nito kaya't mas nag-alala siya sa kalagayan ni Jap kaysa sa isipin na muntik na siyang nakawan nito.
    
Kung sakali mang alam nina Arvie at Hedrix ang tungkol sa kalagayan ni Jap, sana ay nabanggit man lang ito sa kanya pero mukhang walang alam ang dalawa. Kaya mas lalong nabagabag si North.
    

Natigil lamang siya sa pag-iisip nang maramdaman ang pagpasok ng kanyang kapatid sa kwarto.
    

"Nakakatakot yang mga ganyang klase ng ngiti mo ah. Parang may nalaman ka na namang bago tungkol sakin." pansin ni North.
    

Hindi pa rin inalis ni Jammy ang malisyosong ngiti sa mukha at umupo sa gilid ng kama ng kapatid.
    

"Nililigawan mo na?" tanong nito sabay taas-baba ng kanyang kilay.
    
"Ha? Sino?!" gulat na tugon ni North.
    
"Naku, kunwari ka pa, Kuya. Wala kang maiitago sakin." giit ni Jammy.
    
"Alin ba? Hindi kita maintindihan, Jammy." pagtataka ni North.
    
"Si Brevin na mismo ang nagkwento sakin. So spill it." sambit ni Jammy sabay alog sa balikat ng kapatid.
    
"Ano na namang fake news ang sinabi sa'yo ni Brevin? Wag ka ngang basta maniniwala sa lalaking yun." depensa ni North. "Ay maliban na lang kung sinabi niyang gusto ka niya. Yiee."
    
"Utligin ka, Kuya." tugon ni Jammy at kinuha ang kanyang phone mula sa bulsa. "Siya ba yung girl?" tanong nito at may ipinakita sa kanyang phone.

Napabangon naman mula sa pagkakahiga si North nang makita ang Instagram account ni Drenner

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napabangon naman mula sa pagkakahiga si North nang makita ang Instagram account ni Drenner.
    

"Nahanap mo siya sa Instagram?" sambit ni North at agad kinuha mula kay Jammy ang phone dahilan para kumirot na naman ang kamay niya. "Aray! Leche." reaksyon ni North.
    
"Pahaba kasi nang pahaba ng buhok kaya nasusurot ang mata eh. Gwapo ka ngang tingnan, nagsesemplang naman sa motor." litanya ng kanyang kapatid kaya napaingod na lamang si North.
    
"Paano mo nahanap si Drenner?" tanong niya.
    
"Syempre tinulungan ako ni Brevin." sagot ni Jammy at nakisilip din sa phone habang nags-scroll ang kanyang kapatid. "Maganda siya, infairness." komento pa nito.
    

Hindi naman siya pinansin ni North at nagpatuloy lamang sa pagtingin ng mga litrato ng dalaga. Dahil kakaunti lang ang posts nito ay agad narating ni North ang huling larawan.
    

"Huwag mo yang babanggitin sa harap ni Mama ah. Mag-aalala na naman yun." paalala ni North habang inaabot pabalik sa kapatid ang phone.
    
"Yes, master." pabirong tugon ni Jammy.
    
"Tsaka wag laging si Brevin ang kinakausap mo. Nahahawa ka na sa pagkachismoso ng isang yun." sambit ni North at bumalik na ulit sa pagkakahiga sa kama.
    
Napaingod naman si Jammy. "Ang labo mo talaga, Kuya. Dati sinasabi mo na dapat si Brevin makatuluyan ko tapos ngayon, sasabihin mong wag lang si Brevin ang kausapin ko. Ano ba talaga?" reklamo nito.
    
"I mean, you have friends, other than Brevin. Makipagbond ka rin sa kanila. Ikaw lang yung kilala kong teenager na hindi man lang lumalabas ng bahay ngayong bakasyon." komento ni North.
    
Tumayo na si Jammy at nagsimulang maglakad papalabas ng kwarto. "Bakit ba? Mas gusto ko dito sa loob ng bahay eh." sambit nito. "That's because, I had friends." dagdag pa nito at tuluyan nang isinara ang pinto.
    

If My World was EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon