Chapter theme song: Nothing Left to Say - Imagine Dragons
Day 270...
NORTH
ILANG minuto nang balot ng katahimikan ang buong bistro simula nung dumating ako.
Wala ni isa man na customer sa loob at ang tanging nakaupo lang sa mga upuan ay sina Arvie, Hedrix, Drenner, at Brevin. Nilapitan ko si Brevin para itanong kung bakit pati siya ay ipinatawag dito sa Elpizo kaso hindi niya rin daw alam kung bakit pati siya ay kasama.
"Kinakabahan naman ako sa paganito ni Miss Parker." komento ni Drenner.
Sinenyasan ko naman sina Arvie at Hedrix na magkatabi sa iisang table. "Hoy, may alam kayo dito?" tanong ko.
"May announcement lang yang si Madam. Wag kayong kabahan masyado." sambit ni Arvie.
Palibhasa magkakasama na sila ng ilang taon kaya nasasanay na sila sa mga pakana ni Ate Parker.
Napatingin kaming lahat sa counter nang lumabas na rin sa wakas si Ate Parker. Ngiting-ngiti siya samin na akala mo'y may binabalak na masama.
"Ipinatawag ko kayong lahat dito upang... chos!" panimula niya. "I just want to let you know guys that, you are all invited to my birthday party!" masaya niyang sambit at excited na pumalakpak sa sarili niyang announcement.
"Wow! Happy 40th birthday!" bati ni Hedrix.
Agad namang napasimangot si Ate Parker. "Di ka na kasama sa listahan, hinayupak ka!" bulyaw nito. "Anyway, pupunta tayo sa beach!"
"Pwede ko isama kapatid ko?" tanong ko.
"Oo naman, isama mo si Jammira. Afterall, bibigyan ko kayo ng tig-iisang chance para makapagsama ng isa pa." paliwanag niya.
Agad naman kaming nagsigawan dahil sa magandang balita. Umaasenso na talaga. Dati dito lang siya sa Elpizo nagce-celebrate ng birthday ah.
"Kulot, isasama mo si Pim?" tanong ko kay Drenner.
"Tatanungin ko pa at baka may pasok." sagot ni Drenner. "Pag hindi si Pim, baka si Trudy isama ko." dagdag niya.
"Magsasama ng chicks yang si Hedrix. Ano nga, Hedrix?" sambit ni Brevin.
"Hindi pwede. Magagalit ang prinsesa niya." nakangising sambit ni Arvie sabay tapik kay Hedrix.
"Prinsesa?" pagtataka ni Brevin.
Agad kaming nagkatinginan ni Drenner. Mukhang pareho kami ng iniisip. Langya talaga 'tong si Hedrix.
"Wag mong sabihing pinopormahan mo si Prince?!" hindi makapaniwalang sambit ni Drenner.
"Isang linggo na silang magkausap." tugon ni Arvie.
"Ayusin mo desisyon mo sa buhay, Hedrix. Kaibigan ko yan." pagbabanta ni Drenner.
Lumingon naman si Hedrix sa pwesto namin nang may ngiti sa mukha. "Wag ka mag-alala, Dren. Aalagaan ko kaibigan mo."
"Yang ngiti mo pa lang, wala na kong tiwala." nakangiwing komento ni Drenner.
Pinaliwanag lang ni Ate Parker yung set-up sa birthday party niya at pagkatapos ay pinabuksan na niya ang Elpizo. Back to work na sila Drenner.
BINABASA MO ANG
If My World was Ending
Teen FictionFor them, wedding day is the start of a new life. For me, wedding day is the end of my life. Literally.