Chapter theme song: She's My Kind of Rain - Tim McGraw
Day 266...
NORTH
"BAKIT naman hindi mo sinabing may ka-loveteam ka pala sa klase niyo?"
Kagaya ng inaasahan ko, tinanong agad ni Brevin si Jammy ng tungkol sa JaKol loveteam pagkatapos ng event. Nanghihinayang si Brevin sa bid niya pero mas masama daw ang loob niya sa nalaman niyang loveteam.
Nilapitan ko na lamang sina Drenner at Pim. "May iba pa ba kayong pupuntahan o pauwi na kayo?" tanong ko sa kanila.
"Hindi ko rin alam eh. Baka umuwi na lang kami." sagot ni Drenner.
Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan kaya nagpaalam na muna ako sa dalawa para magpunta sa banyo. Malapit lang naman yung banyo mula sa kinatatayuan namin kaya nakarating agad ako at nakaihi.
"Kailangan ko pa pala bayaran yung 500 ni Kulot." sambit ko sa sarili ko habang naghuhugas ng kamay.
"For sure tuwang-tuwa na naman yung si Jammy kasi naging center of attraction siya kanina."
Papalabas na ko ng banyo nang marinig ko ang pangalan ng kapatid ko. Magkatabi lang ang cr ng lalaki at babae kaya madali kong narinig ang pag-uusap nung dalawang babaeng mukhang naiinggit sa kapatid ko.
"Ang malas nga eh. Kaklase ko siya sa isang subject. Makikipagplastikan na naman ako."
Mas lalong uminit ang ulo ko hindi dahil sa sinabi nung babae kundi dahil sa nalaman ko kung sino yung nagsasalita.
"Ikaw si Aya di ba?" pagtawag ko sa akala kong kaibigan ni Jammy na kalalabas lang din ng banyo.
Napalingon ito sakin at agad naglaho ang ngiti sa mukha niya. Kilala niya ko kasi palagi siyang napunta sa bahay namin dati para kay Jammy.
Potek, may mga ganitong tao pala talaga. Yung akala mo kaibigan mo pero kung ano-ano na yung sinasabing masama tungkol sa'yo kapag hindi ka kasama. No wonder hindi na lumalabas ng bahay si Jammy.
"K-kuya North." tugon niya na para bang kinakabahan.
Nilingon ko yung isa pa niyang kasama na mukhang kinakabahan din. Kilala ko siya sa mukha pero nakalimutan ko na ang pangalan niya. Isa rin 'to sa mga nasa bahay dati eh.
"Parang kahapon lang nakikitulog pa kayo sa bahay ah." sambit ko. Nanatiling tahimik at nakatungo yung dalawa. "May nagawa bang mali sa inyo ang kapatid ko?" mahinahon kong tanong.
Kahit papano naman ay may respeto pa ko sa mga babae kaya kalmado pa ko. Pero kapag nalaman kong may ginawa silang masama sa kapatid ko, baka hindi ako makapagpigil.
"It's fine. You don't have to answer that. Hindi rin naman kayo magandang impluwensiya kay Jammy so there's nothing to lose." sambit ko at nagsimula nang maglakad papalayo sa kanila.
BINABASA MO ANG
If My World was Ending
Teen FictionFor them, wedding day is the start of a new life. For me, wedding day is the end of my life. Literally.