Chapter 4: Midnight Chance

36 0 0
                                    

Chapter theme song: Five Minutes to Midnight - Boys Like Girls


Day 247...


NAGBITAW ng isang buntong-hininga ang dalagang si Drenner habang payapang binabagtas ang Weslin bridge. Tanaw niya mula sa kanyang kinatatayuan ang tahimik na ilog sa ibaba.

Mas lalo niyang naramdaman ang hatinggabi nang tumagos mula sa kanyang suot na jacket ang malamig na simoy ng hangin. Inilagay na lamang niya ang mga kamay sa bulsa ng jacket upang mabawasan ang lamig na nararamdaman.
    
Nakaramdam siya ng presensya malapit sa kanya kaya't agad siyang lumingon sa kalsada.


"Oy Kulot! Ikaw pala yan!"


Bumungad sa kanya ang isang nakahelmet na lalaki sakay ng isang motorsiklo. Agad napaurong ang dalaga at itinaas ang dalawang kamay upang ipangsalag, sakaling may gawing masama ang lalaking nasa harapan niya. "Sinasabi ko sa'yo, may kutsilyo ako sa bulsa!" paninindak ni Drenner.


Narinig naman niyang tumawa ang lalaking nakahelmet at pinatay ang makina ng motor. Mas lalong kinabahan si Drenner ngunit mas pinili niyang magpanggap na matapang, umaasang masisindak ang inaakala niyang holdaper.


    
"May kutsilyo talaga ako dito. Umalis ka na kung ayaw mong masaksak!" bulyaw ni Drenner na patuloy pa rin sa pag-urong.
    
Itinuon naman ng lalaki ang kaliwang braso sa unahan ng motor na para bang natutuwa pa sa ginagawa ng dalaga. "Talaga? Patingin nga." pilyo nitong sambit.


Nahalata naman ni Drenner na hindi naniniwala ang lalaki na may dala siyang kutsilyo kaya't wala na siyang ibang pagpipilian kundi sugudin ang lalaki habang hindi ito handa.


    
Mabilis na sinugod ni Drenner ang lalaki at pinaulanan ito ng hampas. Napasigaw naman ang lalaki sa sakit at sinimulang iwasan ang mga sunod na palo ng dalaga. "Ah! It's me! I'm North! Stop it! Aray!" inda ng lalaki.


    
Napatigil naman ang galit na dalaga at siya na mismo ang marahas na humugot ng helmet mula sa ulo ng lalaki. Bumungad sa kanya ang nakangiwing mukha ni North dala ng mga hampas niya sa iba't ibang parte ng katawan nito.


    
"Nakakatakot ka palang holdapin." nakangiwing biro ni North.
    
Akala ni North ay tapos na ang dalaga sa paghampas sa kanya ngunit bigla ulit siya nitong pinaghahampas gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay nakahawak sa helmet niya. "Taena ka! Nakakatawa yang trip mo ha?! Ihuhulog kita sa ilog eh!" bulyaw ni Drenner.
    
Pinigilan naman ni North ang kamay ng dalaga mula sa paghampas sa kanya. "Sorry na. Sorry na. Kasalanan ko bang inisip mo agad na holdaper ako." depensa ni North.
    
Natigilan naman si Drenner dahil sa napagtanto at agad binawi ang kanyang kamay na hawak ni North. "Alisin mo kasi muna 'to." saad niya at inihagis sa binata ang helmet nito. "Bago ka mambati." dugtong niya.
    
"San ka ba kasi galing? Hatinggabi na tapos pagala-gala ka pa." tanong na lamang ni North at isinabit ipinatong ang kanyang helmet sa upuan ng motor.
    
"Sa trabaho." tugon ni Drenner.
    
"Oy, 10pm nagsasara ang Elpizo." sambit ni North.
    
"Sa isa ko pang trabaho." Pansin sa dalaga na bigla itong hindi mapalagay kaya't naisipan na lamang nitong baguhin ang usapan. "Eh ikaw, san ka pupunta? Pagala-gala ka rin naman ah. Kaya napapagkamalan kang holdaper eh." sumbat ni Drenner.
    
Nginitian naman siya ng binata. "Midnight roadtrip. Sama ka?" saad nito at may pagtaas-baba pa ng kanyang kilay.


    
Napangiwi naman ang dalaga at mabilis na umiling. Agad itong naglakad pauna at iniwan si North.


    
Napatayo naman si North at agad na sumakay sa kanyang motor. "Oy teka sandali!" sambit niya.

If My World was EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon