Chapter theme song: Wherever You Go – A Rocket to the Moon
Day 255...
DRENNER
MULI akong napalingon sa entrance ng bistro nang sandaling bumukas ito. Pero tulad ng mga nakaraang paglingon ko, hindi ko pa rin nakita ang inaabangan ko. Kaya pinagpatuloy ko na lamang ang pagbibigay ng order sa table kung saan ako nakatayo.
"Sino ba ang hinihintay mong dumating at kanina ka pa dyan abang na abang?" tanong ni Arvie habang binibigyan ng order ang kabilang table.
"W-wala." tanggi ko. "Binibilang ko lang yung pumapasok na customer." palusot ko pa.
I saw Arvie chuckle as she passed behind me. Kung hindi lang siguro maraming customer ngayon, naasar na ko ng isang 'to.
Naglakad na ko pabalik sa counter para ibalik ang hawak kong tray at kumuha ng bagong order. Naabutan ko si Miss Parker na may kausap sa phone kaya't tahimik ko na lamang na inilapag ang tray na hawak ko sa ibabaw ng counter.
Ang kwento sakin nila Arvie at Hedrix, tatlong taon na simula nung itayo itong bistro na pagmamay-ari ni Miss Parker. Matagal daw itong pinag-ipunan ni Miss Parker kaya nung maka-graduate siya, rumaket siya bilang scriptwriter sa ilang movies. Hindi nga ako makapaniwala nung nalaman ko, lalo na nung sinabi nilang si Miss Parker pala yung sumulat nung A Day in Weslin, yung compilation ng one-shot stories na ang setting ay dito mismo sa Weslin. Meron kasing libro nun si Pim kaya nakibasa na rin ako.
"Drenner." pagtawag sakin ni Miss Parker nang matapos na ang pakikipag-usap niya sa phone. "Maaga tayong magsasara ngayon." dugtong niya.
"May lakad po kayo?" tanong ko.
Napangiti naman nang malapad si Miss Parker. "May date kami ng jowa ko." kinikilig nitong sambit.
Napangiti na rin ako. Nakakatuwang kiligin si Miss Parker. Parang kinikiliti na ewan. Pero ang cute.
"And I told you, wag ka na mag-po sakin. Pinapatanda mo naman ako masyado." dagdag niya pa kaya napatango na lang ako.
Narinig ko ang pagtunog ng chime sa entrance kaya agad akong napalingon dito. Finally.
"Yow!" nakangiting bati ni North habang naglalakad papalapit sa pwesto ko.
I think he really likes wearing jackets dahil kahit mainit yung panahon ngayon, nakasuot pa rin siya ng denim jacket. Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang malaking eco bag na nakasukbit sa balikat niya.
"Kuya, hindi po kami interesado sa ibebenta niyo. Pasensya na. Sa ibang resto na lang po kayo pumunta." biro ni Miss Parker na napansin din pala ang dala-dalang eco bag ni North. Sino ba namang hindi makakapansin eh may kalakihan pa naman yung dala niya. Para siyang galing divisoria.
Natawa naman si North. "Pasensya na rin, Manang. Naka-reserve na itong mga binebenta ko eh. Hindi ko na pwede ibenta sa iba." pambawi ni North dahilan para mapasimangot si Miss Parker.
"Ano ba laman niyan?" Nakiusyoso na rin ako.
"Nothing important." sagot ni North at naglakad na sa usual niyang pwesto sa bistro.
Bumalik na lang din ako sa pag-aasikaso ng orders. Ilang minuto lang ang nakalipas ay may natanaw akong tatlong babae na ngayon ay nakaupo na kasama si North.
Napaismid naman ako. Kaya naman pala maganda ang outfit. May katagpuan na namang babae. At hindi lang isa ngayon, tatlo pa. Mga gawain talaga ng mga lalaking gwapo. Tsk tsk.
BINABASA MO ANG
If My World was Ending
Teen FictionFor them, wedding day is the start of a new life. For me, wedding day is the end of my life. Literally.