Chapter 6: Something about Marriage

18 0 0
                                    

Chapter theme song: Outnumbered – Dermot Kennedy


Day 53...


NANATILING balisa ang dalagang si Drenner habang mag-isang nakaupo sa isa sa mga bench sa Weslin park. Kahit pa maingay ang paligid dahil sa mga taong may iba't ibang pinagkakaabalahan, tila ba hindi ito naririnig ni Drenner dahil sa lalim ng kanyang iniisip.
    
Mahigpit siyang nakahawak sa isang puting sobre na nagmula sa opisina ng kanilang unibersidad. Isa itong promissory note tungkol sa kanyang tuition fee.
    
Napatigil sa pag-iisip ang dalaga at napakurap nang tumunog ang kanyang phone, indikasyon na may tumatawag. Inilagay niya sa loob ng kanyang slingbag ang promissory note na hawak at agad kinuha ang kanyang phone dito. Nakita niyang ang kaibigan niya palang si Prince ang tumatawag kaya't sinagot niya rin ito kaagad.


"Hello Princess." bungad ni Drenner sa tawag.
    
Narinig niya ang buntong-hininga ng kaibigan mula sa kabilang linya. "Sige. Pagbibigyan kita ngayon sa pagtawag mo sakin ng Princess dahil birthday mo." saad nito dahilan para mapatawa si Drenner. "Nandito na ko sa park. Saan ka nakapwesto?" dugtong nito.
    
"Wala kang pasok?" tanong ni Drenner.
    
"May seminar yung professors ng Palemio University so I'm free today." sagot ni Prince.
    
"Mabuti naman. Pahirapan pa sa paghagilap sa'yo dahil ang layo ng university mo dito sa Weslin." komento ni Drenner. "Nandito ako sa malapit sa may fountain. Sa mga bench." pagtutukoy ng dalaga sa kanyang lokasyon.
    
"Coming." masiglang tugon ni Prince at agad nang binaba ang tawag.


Nagpunta si Drenner sa kanyang inbox at nadismaya nang makitang hindi pa rin sumasagot sa mga text niya ang kasintahan niyang si Lorence. Kahapon pa hindi nagpaparamdam sa kanya ang binata. Mas nainis siya ngayon dahil kung kailan birthday niya ay tsaka pa mawawala ito.
    
Ibabalik na sana ni Drenner ang kanyang phone sa bag nang tumunog ulit ito. Nang tingnan niya ang tumatawag ay pangalan ng kanyang Tita Joie ang rumehistro dito kaya agad niya itong sinagot.


"Hello Tita?" sagot ng dalaga.
    
"Hello, Drenner? Nasa university ka pa ba?" bungad ng kanyang Tita.
    
"Nakaalis na po. Bakit po Tita?" tanong ni Drenner.
    
"May iba ka pa bang pupuntahan ngayon?" tanong ulit ng kanyang Tita. "Ay, nadalaw mo na ba si Ate Cathryn?" dugtong pa nito.
    
"Opo, kakagaling ko lang po doon. May problema po ba dyan?" nag-aalalang tugon ng dalaga.
    
"Wala, pero pwede mo bang bantayan muna dito sa ospital si Pim? May kukunin lang ako sa bahay tsaka kukunin ko rin yung padalang pera ni Pong. Pasensya ka na. Birthday mo ngayon pero pinagbabantay kita kahit pa dapat nag-eenjoy ka." sambit nito.
    
"Okay lang po yun, Tita. Wala pong problema. Mas mahalaga po ngayon si Pim." giit ni Drenner para hindi mag-alala ang kanyang Tita Joie.


Kahapon kasi ay sinugod sa ospital ang kanyang pinsang si Pim dahil sa sobrang taas na lagnat at nalamang may dengue pala ito. Buong araw absent si Drenner sa kanyang klase dahil sa pagbabantay sa pinsan kaya hindi siya agad nabigyan ng promissory note, dahilan para papuntahin siya sa unibersidad ngayong araw kahit pa wala silang klase.
    
At dahil kaarawan niya rin ngayon, naisipan niyang dumaan muna sa puntod ng kanyang yumaong ina para dalhan ito ng bulaklak at kandila, na palagi niyang ginagawa tuwing kaarawan niya.
    
Matapos ang saglit na pagdalaw sa ina at pagkadismaya sa isang partikular na bagay, napagdesisyunan niyang tumigil sa park para makipagkita saglit sa kanyang mga kaibigan at kay Lorence. Pero mukhang si Prince lang ang makikita niya ngayon.

If My World was EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon