Chapter theme song: Silver Lining - Jezreel
Day 278...
DRENNER
PAGPASOK namin ni Trudy sa loob ng bistro, naabutan namin sila North, Arvie, Prince, at Brevin na nagkakantahan. Kagulo na sila sa pag-aagawan nung wireless microphone with speaker habang nagpapalakasan sa pagkanta ng Party in the USA ni Miley Cyrus.
Dumiretso na lamang kami sa table kung saan nakaupo si Jammy at yung isa pang babae na ngayon ko lang nakita.
"Ate Dren, paki-agaw nga sa apat na yan yung mic. Sa boses mo lang ako natutuwa eh." pagrereklamo ni Jammy dahilan para matawa ako.
"Bat nagkakantahan pa kayo dito? Sino pa bang hinihintay?" tanong ko.
"Si Hedrix na ulaga." Biglang umupo sa tapat namin si Arvie sabay akbay sa babaeng katabi niya. "Dren, si Nikki nga pala. Girlfriend ko." pakilala ni Arvie.
Napangiti naman ako at kumaway kay Nikki. Ngumiti rin naman ito at bahagyang tumawa na para bang kinikilig.
"Teka, bakit late si Hedrix? On time naman yun ah." pagtataka ko.
Bigla namang tumawa nang malakas si Arvie na para bang may naalalang nakakatawa. "Katanga-tanga ba naman. Ang napag-usapang oras ng tagpuan ay 4 o'clock, di ba? Si tanga naman, nagpunta dito ng 4 ng madaling araw, imbis na 4 ng hapon. HAHAHA napakatanga." tawang-tawang pagku-kwento ni Arvie.
Kahit kami ni Trudy ay napatawa na rin dahil sa pagku-kwento ni Arvie. Potek, sa sobrang excited yata ni Hedrix, napapunta ng sobrang aga sa tagpuan. HAHAHA kabaliw talaga.
Napalingon naman kami dahil sa bangayan ng mga singer kuno sa may counter. "Magsiupo kayo! Dun kayo, kakanta ako!" sigaw ni North habang tinataboy si Prince at Brevin.
"Utang na loob, Kuya! Ikaw ang umupo!" bulyaw ni Jammy.
"Tumahimik ka, Jammy! Tsaka mo ko sawayin kapag magaling ka nang kumanta!" bulyaw pabalik ni North. Ang hilig-hilig talaga nito pumatol sa kapatid niya.
Bigla namang hinila ni Brevin ang manggas ni North. "Wag mong ginaganyan ang my loves ko!" sigaw nito.
"Tumabi kayo! Ako ang kakanta!" sigaw ni Prince sabay hablot ng mic kay North.
Agad namang inagaw pabalik ni North ang mic kay Prince. "Princess, upo!" utos nito sabay turo sa table namin.
"Si Hedrix lang ang may karapatang tumawag sakin ng Princess! It's Prince!" bulyaw ni Prince kaya napatawa kami ni Trudy.
"Kahit pa Queen pangalan mo, basta umupo ka!" sambit ni North. "Kakanta na ko." saad niya pa at sinimulan nang kalikutin yung phone kung saan naka-connect yung microphone speaker.
Wala nang nagawa sina Brevin at Prince kundi umupo.
Tumugtog na mula sa speaker yung 'Ipagpatawad Mo' by VST and Company. Hindi ko mapigilang hindi matawa nang magsimulang magsway si North na tila ba feel na feel yung kanta.
"This is my last song," sambit niya sa mic sabay kaway sa kanyang invisible crowd. "Ipagpatawad mo, aking kapangahasan~"
BINABASA MO ANG
If My World was Ending
Teen FictionFor them, wedding day is the start of a new life. For me, wedding day is the end of my life. Literally.