Chapter theme song: Therapy - All Time Low
Day 258...
NORTH
NANG sandaling makapasok kami sa tinutuluyang apartment ni Jap, agad na sumalubong sa amin ang hindi ko maipaliwanag na amoy dahilan para mapatakip ako ng ilong. Kahit si Drenner ay pasimple ring nagtakip ng ilong.
Dire-diretso naman si Jap at binuksan ang ilaw kaya't bumungad sa amin ang kabuuan ng kanyang apartment. Iilan lang ang gamit na nandito tulad ng isang lumang sofa, maliit na lamesa kung saan may mga nakakalat pang bote at walang lamang cup noodles, at ilang monoblock na nakatumba sa iba't ibang sulok ng apartment. Paniguradong ibinenta na ni Jap ang iba niyang gamit para lang sa bisyo niya.
Itinayo ni Jap ang isang nakatumbang monoblock at umupo dito. "H-hindi mo na dapat ginawa yung kanina, North." sambit ni Jap.
I smiled at him. "Nakalimutan mo na yata. Di ba may utang pa ko sa'yo. Yun na yung bayad ko." saad ko.
Napatungo si Jap at marahas na ginulo ang kanyang malagong buhok. I think he's upset. "Hindi mo na ko kailangan tulungan, North. Hindi ko kailangan ng awa mo." mahina niyang sambit pero sapat lang para marinig namin ni Drenner.
"It's not what you think. I'm just worried about you." paliwanag ko.
"HINDI KO NGA KAILANGAN NG TULONG!" sigaw ni Jap dahilan para bahagya akong mapaurong. Ramdam ko rin ang biglaang pagkapit ni Drenner sa braso ko kaya agad akong napalingon sa kanya.
Bakas sa mukha ni Drenner ang kaba. Mukhang nagsisimula na siyang kabahan sa pwedeng gawin ni Jap lalo pa't halatang unstable ang pag-iisip nito ngayon at anumang oras ay pwede siyang maging agresibo.
"Dren, just stay here." bulong ko.
Agad napalitan ng pagtataka ang mukha ni Drenner. "Anong gagawin mo?" bulong nito.
Imbis na sagutin ang tanong niya, dahan-dahan akong humakbang papalapit kay Jap. "Hey. Jap. Are you okay?" tanong ko.
Nanatiling tahimik si Jap kaya mas lumapit pa ko sa kanya. Until I started to hear his sobs. "Bakit ganito, North? Hindi ko na mapigilan sarili ko. Hindi ko na alam mangyayari sa buhay ko."
Lumuhod ako sa harap ni Jap. "We can help you, Jap. Just let us help you." mahinahon kong sambit.
"Ayoko, North. Magiging pabigat lang ako sa inyo. Pabayaan niyo na ko." sambit ni Jap at mabilis na umiling habang nanatili pa rin siyang nakatungo.
I tried to hold his trembling hands but he quickly stood up and started walking back and forth the room. Jap is a mess right now.
"North, you have to leave. May ano... may g-gagawin pa ako. Sige na, lumabas na kayo." sambit ni Jap at hinawakan ako sa braso para akayin papalabas pero mabilis kong nahawakan ang kamay niya.
"Sa tingin mo ba, gugustuhin nina Ate April na makita kang ganito?" seryoso kong sambit.
Sandaling natigilan si Jap at nagsimula na namang lumikot ang mga mata niya. Ramdam ko rin ang panlalamig ng kamay niya na hawak ko ngayon.
BINABASA MO ANG
If My World was Ending
Teen FictionFor them, wedding day is the start of a new life. For me, wedding day is the end of my life. Literally.