Chapter theme song: Another Sad Love Song - Khalid
Day 238...
NORTH
AGAD kong ibinaba ang backpack na dala ko nang sandaling makahanap ako ng bakanteng upuan sa bus. Patuloy ang pagpasok ng iba pang pasahero sa nakaparadang airconditioned bus na mukhang mamaya pa mapupuno. This is gonna take forever.
Napatingala naman ako nang maramdaman ang malamig na hangin na dumampi sa leeg ko. Tutok na tutok pala sakin ang aircon sa itaas kaya't agad ko itong isinara. Isa pa naman sa ayaw ko kapag nasa byahe ay ang aircon dahil ang bilis kong mahilo.
"Pogi, bili ka na ng Buko Pie. Pasalubong mo sa girlfriend mo." Napalingon ako sa gilid ko at bumungad sa akin ang isang lalaking may malapad na ngiti habang may hawak na mga kahon ng Buko Pie.
Umiling naman ako bilang sagot. "Hindi po. Tsaka wala po akong girlfriend." nakangiti kong tugon at sumilip na lamang sa bintana.
"Ay ganoon ba? Eh boyfriend?" sambit pa nito dahilan para agad akong mapalingon sa kanya at binigyan siya ng 'what the fuck' look. "Mukhang wala rin. Sige." mabilis nitong bawi nang mahalata ang ekspresyon sa mukha ko at naiilang na tumawa.
Seriously? Hindi pa ba ako ganun ka-manly tingnan para mapagkamalang bakla? Damn it. I really need to go to the gym.
Makalipas ang halos isang oras ay umandar na ang sinasakyan kong bus. Doon ko lang din naalala ang notebook ko. Agad ko itong hinanap sa backpack na nasa tabi ko. Nang sandaling makuha ko ito ay binuklat ko iyon at hinanap sa listahan ang kailangan kong linyahan.
Napakamot na lamang ako sa ulo ko matapos ko itong linyahan. Kaunahan pala 'to sa listahan ko pero ngayon ko lang nagawa.
Kung sa bagay, wala akong panahon dati para ma-experience ang mangisda dahil college student pa ko na abala sa kung ano mang kailangang ipasa at makumpleto sa eskwelahan.
But now that I graduated from college, I can go wherever I want to go, even if it's weekdays. Mas marami na akong oras para magawa ang mga nasa bucket list ko.
Napatingin ako sa bintana ng umaandar na bus at pinagmasdan ang nadadaan nitong mga puno sa tabing-kalsada. Alas-dos pa lang ng hapon kaya't maliwanag pa ang sinag ng araw. Tanaw ko mula sa bintana ang matataas na puno at malalawak na taniman. Iilan lang din ang nadadaang bahay sa lugar at iilan lang din ang nakikita kong tao sa labas. Ganito ang mga gusto kong klase ng buhay, payapa. Buhay probinsya.
Ibinalik ko ang tingin sa maliit na notebook na hawak-hawak ko. Kung titingnan ay mukha na itong luma dahil sa gusot nitong cover pero ito ay ibinigay sa akin noong isang taon lang. My sister gave it to me. It is that same day when I told my family about my dream.
BINABASA MO ANG
If My World was Ending
Teen FictionFor them, wedding day is the start of a new life. For me, wedding day is the end of my life. Literally.