Chapter theme song: Stranger - Secondhand Serenade
Day 246...
NORTH
MATAPOS maiparada ang motorsiklo ko kahilera ng iba pa, binuksan ko ang compartment nito at kinuha ang isang libro. One Hundred Years of Solitude by Gabriel Garcia Marquez. It's the 9th classic novel I've finished reading na parte ng bucket list ko.
Pagkatapos masigurong safe na ang motor ko sa mga pwedeng magtakas nito ay naglakad na ko patungo sa Elpizo bistro. It's the only bistro in Weslin na mabenta sa mga tao, siguro dahil na rin sa magandang quality nito, pagkain man o interior design. At isa ako sa mga suki dito. Partida, ka-close ko pa yung may-ari.
Tumunog ang chime na nakasabit sa may pintuan ng bistro nang sandaling makapasok ako na tumawag ng atensyon ng babaeng nakatayo sa harap ng cashier. "Yow!" nakangiting bati ni Ate Parker, ang may-ari ng Elpizo bistro.
Bumungad sa akin ang maaliwalas at kalmadong vibe ng bistro at ilang customer na abala sa kani-kanilang ginagawa. The whole bistro is mixed with white and creamy brown color, from its walls, floor, and furnitures. Mayroon ding mga sofa na isa sa kinahiligan kong pwesto. Even the foods here are actually great. Hindi na ako magtataka kung bakit ito ang pinakamabentang bistro sa buong town.
Naglakad ako patungo sa counter since wala namang nakapilang customer dito. "How's business?" tanong ko.
"Doing good. Ikaw? Mukhang lalo kang pumopogi ah!" puri ni Ate Parker sabay pat sa ulo ko.
Naging kapitbahay namin nang matagal na panahon ang pamilya nila Ate Parker kaso lumipat sila ng bahay nung high school ako nung nakaluwag-luwag sila sa buhay. But still, we remained connected and close to each other. Siya na kasi yung itinuring kong Ate simula bata, given the fact that she's seven years older than me.
Natawa naman ako dahil sa biglaan niyang compliment at ipinakita sa kanya ang librong hawak ko. "Tapos ko na 'tong isang 'to. Pahiram ulit ng isa." sambit ko.
Napatango naman si Ate Parker. "Sure. Pumili ka na dyan sa mini-library." saad niya at itinuro ang mini-library niya na nakapwesto sa kaliwang bahagi ng bistro. Isa rin ito sa dahilan kung bakit naging suki ako ng bistro na 'to. Mahilig kasing mangolekta ng libro si Ate Parker at naisipan niyang lagyan ng mini-library ang bistro niya para daw mai-share niya ang mga libro niya ng libre. "Pang-ilang classic novel mo na ba yan?" she asked.
"9th." sagot ko bago maglakad patungo sa mini-library na malapit lang sa cashier.
Alam ni Ate Parker ang tungkol sa bucket list ko. Pero hindi niya alam ang totoong rason kung bakit ko yon ginawa. Ang akala niya, trip-trip ko lang 'to.
BINABASA MO ANG
If My World was Ending
Teen FictionFor them, wedding day is the start of a new life. For me, wedding day is the end of my life. Literally.