Chapter 17: His Guilt

6 0 0
                                    

Chapter theme song: Where the Sea Sleeps - Day6 (Even of Day)


Day 271...


DRENNER


NAPATITIG na lang ako sa madilim na langit habang patuloy na naglalakad sa tahimik na kalsada.


Madaling araw na kaya wala nang makikitang tao sa labas at patay na rin ang mga ilaw sa kabahayan. Tahimik ang bawat bahay na nadadaanan ko at tanging mga tahol lang ng aso sa di kalayuan ang naririnig ko.


Sanay na ako sa ganito dahil kadalasan ay ganitong oras ang labas ko galing sa trabaho ko sa bar. Strip dancer kasi ako. Chos!


I've been working in this bar as a singer after my shift from Elpizo. Si Trudy lang ang pinagsabihan ko sa trabahong ito, kahit pa nagtataka na si Tita Joie at Pim kung bakit palaging madaling araw na ko umuuwi.


Muntik ko nang sabihin kay North yung trabaho ko nung time na nakasalubong niya ko sa tulay dati. Buti na lang naiba yung topic at umabot pa sa serial killer ang usapan. HAHA.


I started singing lightly while walking to ease the boredom.


"In another life... I will be your girl... And we'd keep all our promises... Be us against the world."


Napatigil ako sa pagkanta nang biglang tumunog ang phone ko. Agad ko itong kinuha sa bulsa ko at naking si Prince pala ang tumatawag. Or should I call her 'Princess' now?


"Oh hello?" bungad ko.

"Aba, gising pa si bruha. Kapuyatan mo na naman si North, 'no?" Hindi ko man nakikita ang mukha ni Prince, alam kong ngising-ngisi na naman siya ngayon.

"Baliw. Matutulog na nga ako, istorbo ka lang." palusot ko, dahil hindi naman niya alam na may trabaho akong iba bukod sa Elpizo. "Bakit ka napatawag?"

"Kasi nga... NIYAYA AKO NI HEDRIX NA SUMAMA SA INYO SA BEACH!" sigaw niya dahilan para mailayo ko ang phone sa tenga ko.

"Saya ka, gurl?" pang-aasar ko.

"Oo, super," kinikilig niyang sagot. "Lalo na nung hiningi niya yung number ko nung nanghingi tayo ng movies kay Trudy, tapos gabi-gabi siya tumatawag. As in gorl! Kilig na kilig ang lola mo!" kwento niya pa.

"Talaga? Siya yung nanghingi ng number mo? Tapos consistent sa pagtawag? Talaga?" natatawa kong komento.

"Gulat na gulat? Is that hard to believe?"

"Yes, it is. That's why you're hearing disbelief in my tone." sagot ko.

"Well, simulan mo nang maniwala. Dahil magkakajowa na 'tong single mong kaibigan." pagmamalaki niya. Wow ang lakas naman pala manalig.

"Hinay-hinay lang, Prince ha. Wag mo masyado madaliin." payo ko.

"Nasa getting-to-know-each-other stage pa lang naman kami. Don't ya worry," saad niya. "Kayo ni North, saang stage na kayo?"

"Baliw, wala. Wag mo kami idamay sa nalalaman mong stage-stage na yan." sagot ko.

"Asus. If I know, hinihintay mo lang tawag ni North kaya hindi ka pa natutulog." pang-aasar niya.

If My World was EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon