Chapter 11: All Too Well

26 0 0
                                    

Chapter theme song: Close to you - Carpenters

Day 261...

NORTH

NAPANGITI ako nang matanaw ko si Brevin sa nakapwesto sa isa sa mga table sa loob ng paborito naming diner simula noong mga bata pa kami.

Naglakad ako patungo sa table kung saan nakaupo si Brevin at umupo sa harapan niya bago siya batiin.


"Aga mo ah." bungad ko.


Nalaman kong abala pala siya sa paglalaro sa phone niyang nakapatong pa sa mesa habang pinaglalaruan ng bibig niya ang straw ng kanyang iced tea.


He glanced at me then looked back at his phone. "Hindi ako maaga. Late ka lang. Na palagi namang nangyayari." saad niya at muling ibinalik ang tingin sa akin. "Kapag may katagpuan ka, dapat ikaw yung mas maaga. Kaya hindi pwede sa'yo bigyan ng ka-blind date eh." reklamo niya pa.

Napaismid na lamang ako. "Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita, ang init na agad ng ulo mo."

"Yun na nga eh. Ngayon na lang ulit tayo nagkita. Wala na akong balita sa'yo." sambit niya.

"Ilang araw lang hindi nagkita eh." nakanguso kong depensa.

"Hoy, mabuti sana kung nagcha-chat o tumatawag ka man lang. May problema ka ba, North?" nag-aalalang tanong ni Brevin.


Natahimik naman ako. Well, hindi ko naman masabing problema talaga siya and it's just a hunch so, I don't know.


Matapos yung insidente kay Jap, nanatili lang ako sa loob ng bahay at nag-isip-isip. Hindi dahil sa nag-aalala ako kay Jap, well nag-aalala pa rin naman ako pero alam kong magiging okay na siya lalo pa't kasama na niya si Ate April, pero dahil 'to sa sinabi ni Drenner bago kami maghiwalay.


If it's okay with you, I'd like to help you finish your bucket list.


I'm confused. And worried.


"Pre, paano ba malalaman kapag may gusto na sa'yo yung babae?" tanong ko.


Akala ko ang unang magiging reaksyon ni Brevin ay itatanong kung sino yung tinutukoy ko pero nagtaka ako nang bigla siyang tumawa.


"Holy shit!" sambit niya habang patuloy pa rin sa pagtawa.

"What?" pagtataka ko.

"Nagbibigay na ba ng motibo si Drenner?" tanong niya habang tumataas-baba pa ang kilay.

"Hindi naman sa ganun." nag-aalangan kong sagot.

"Madalas ka na bang china-chat? Palagi ka na bang binabati ng 'Good morning, kumain ka na ba?' Ano?" sunod-sunod niyang tanong at halata sa mukha niya na interesadong-interesado siya.

"Hindi." mabilis kong sagot.

"Inaasar ka tapos palagi kang kinukulit, yung tipong pabebe na?" tanong niya pa.


Umiling naman ako bilang sagot. Para ngang hindi uso kay Drenner maging pabebe eh. Walang halong arte sa katawan. Hindi rin siya nang-aasar, pero nagsusungit naman.

If My World was EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon