Chapter 8: His Hummingbird

15 0 0
                                    

Chapter theme song: Baka Sakali – Silent Sanctuary


Day 255...


DRENNER


NAPANGIWI ako nang muli kong idampi ang bulak na may alcohol sa kanang braso kong may sugat. Ang hapdi! Shemay!
    

"Sorry talaga, Kulot." nanlulumong sambit ni North na kanina pa hindi mapakali sa harap ko.
    

Unfortunately, nangyari nga ang kinakatakot kong mangyari kapag sumasakay sa motor. Nahulog kami sa kanal, thanks to North. That's why we ended up here in a convenient store, treating my wounds.
     

"Natusok kasi ng buhok ko 'tong mata ko kaya nagpagewang-gewang tayo. Nawalan ako ng kontrol kaya nahulog tayo sa kanal. Sorry talaga, Drenner. Sorry." Pang-limang paliwanag na niya 'to siguro. Nasabi ko na kanina na okay lang pero heto pa rin siya at nagpapaliwanag pa rin.
    
"Ang kulit mo. Sabing okay nga lang ako. Nangyayari talaga ang hindi natin inaasahan." nakangiti kong sambit para naman mabawasan ang guilt na nararamdaman ni North.
    
"Hindi ka okay eh. Tingnan mo, ang laki ng gasgas sa braso mo. Kasalanan ko 'to eh. Sorry talaga." Sisigawan ko na sana si North para sabihing tumigil na sa paghingi ng sorry pero nagulat ako nang makitang umiiyak na siya.
    

Hala seryoso? Umiiyak siya ngayon? Hindi ko akalaing ang isang lalaking tulad ni North ay may pagka-iyakin din pala. He's literally crying in front of me because of so much guilt.
    

Napatawa na lang ako. "Okay fine. If you're really sorry, then help me with this. Tumigil ka na sa pag-iyak dyan at gamutin mo na lang 'tong sugat ko." sambit ko para mapatigil man lang siya kahit papano sa pag-iyak.
    

Kinusot niya ang pareho niyang mata at tumango na parang isang bata bago lumipat ng upo sa tabi ko. Ang cute.
    

Paano ka ba naman magagalit sa lalaking 'to kung ganito ipapakita sa'yo. Gusto ko na rin sana siyang bulyawan kanina nung nagsemplang kami pero hindi ko na nagawa nung makita siyang natataranta. Parang ako pa yung magmumukhang masama kung sisigawan ko siya.
    

He's such an adorable guy.
    

"Baka mamaya may nabali na palang buto sa'yo ah." sambit ni North habang sinsimulan nang lagyan ng betadine ang sugat sa braso ko.
    
Umiling na lamang ako at pinanood na lang siya sa ginagawa niya. Doon ko napansin ang sugat niya sa kamay. "Ikaw yung tarantang-taranta dyan pero tingnan mo. May sugat ka rin pala." sambit ko at hinila ang kaliwang kamay niya.
    
"Unahin na muna natin yang braso mo." tutol ni North at akmang hihilahin na ang kamay niya pero pinandilatan ko agad siya.
    
"Gasgas lang yung sakin. Mas malalim 'tong sa'yo. Wag ka nang umangal dyan." masungit kong saad para hindi na siya tumutol.
    

Mabuti na lang at may tindang sterile gauze dito sa convenient store kaya matapos ma-disinfect ang sugat ni North ay ibinalot ko na ito sa kamay niya.
    

"Paano ka natuto ng ganito?" tanong ni North habang pinapanood ako balutan ng gauze ang kanyang kamay.
    
"Natutunan ko 'to sa pinsan kong si Pim. Girlscout kasi yun kaya marami akong natutunan pagdating sa mga ganitong bagay." sagot ko hanggang sa tuluyan ko nang mabalot ang kalahati ng kamay niya.
    
Bigla naman akong napatingin sa pagitan ng daliri niya. "Woah. Is this a hummingbird tattoo?" mangha kong sambit sabay hila ng kamay niya para mas matingnan nang malapitan yung tattoo.
    
"Yeah—Aray! Hinay-hinay sa paghawak, Dren." reklamo ni North kaya agad akong napabitaw sa kamay niya. Nakalimutan kong may sugat nga pala siya dahil sa sobrang tuwa ko sa tattoo niya.
    
"Sorry. Ganyan din sana yung gusto kong ipa-tattoo dati eh." sambit ko. "But I got this one." dagdag ko sabay tanggal ng relo sa kaliwa kong kamay para makita ang tattoo na nahaharangan nito.
    
Napatigil naman si North nang sandaling ipakita ko sa kanya ang maliit kong tattoo sa may pulso. "A four-leaf clover." mahina niyang sambit.
    
I chuckled. "Ang ironic di ba? This means good luck pero puro kamalasan nangyari sa buhay ko." Napatitig ako sa tattoo. "Last year ko pinalagay itong four-leaf clover tattoo ko, hoping that it might bring good luck to me. Pero mukhang hindi effective. Sunod-sunod yung kamalasan ko. I failed two of my subjects at muntik pang hindi maka-graduate sa college, my boyfriend broke up with me, kinapos kami sa pera kasi nagka-dengue si Pim, tapos si Papa—" Napatigil ako sa pagsasalita nang maramdaman kong malapit nang mabasag ang boses ko. At isa pa, hindi na kailangan pang malaman ni North ang tungkol sa Papa ko.
    

If My World was EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon