Chapter 04
Zari"Inaccept mo ako sa Facebook."
Gin was now sitting infront of me. Nagrereview ako kanina para sa quiz namin mamaya sa Calculus nang biglang umupo sa harapan ko si Gin Castres, paulit-ulit na sinasabi sa akin na inaccept ko sya sa Facebook. At first, I found it funny, but as he continued on saying it repeatedly, naiirita na ako.
"Shut the fuck up!" gigil na sigaw ko kay Gin, napapikit na sa iritasyon.
He pouted and grabbed some foods. Bumili kasi sya kanina bago lumapit na sa banda ko para lang guluhin ako.
"Bakit palagi kang naiirita?" seryosong tanong nya kaya nagulat ako. Marunong pala syang magseryoso. "Okay lang ba mental health mo?"
"Mukha bang hindi?" malditang pagkakatanong ko.
"Mukhang oo," sabi nya.
I just rolled my eyes and didn't mind him. Hindi ko na rin sinagot pa ang tanong nya. Well to be honest, I can't really understand my mood. Minsan naiirita ako, minsan naman masaya, at may minsan ding malungkot ako. I can't let anyone understand my situation, kasi pati ako ay hindi rin maintindihan ang sarili ko.
"Ang hirap! Gagi, Zari. Pakopya," lokong sabi ni Bourbon sa tabi ko, magkatabi kami ngayon habang nagkiquiz sa Calculus.
I faked a smile. "You wish,"
"Hala, fake classmate."
Wala rin akong maisagot sa quiz. Puro lamang titig ang nagawa ko sa papel ko. I can't even understand the given, nakalimutan ko rin yung formula. Hindi ko magawang sagutan ang quiz kaya puro na lamang realizations ang pumapasok sa utak ko.
Narealized ko na ayoko nalang pala mag Engineer. Magkano kaya kabaong?
Leche kasi si Gin. Nagrereview ako kanina para mamemorized yung mga formula pero lapit sya nang lapit kaya hindi ako makafocus. Ayan tuloy, walang laman utak ko ngayon.
"Wala ka ring sagot?" Suji asked, nasa labas na kami ng classroom.
Kakatapos lang ng quiz at halos lahat kami ay drained na lumabas sa classroom. I fixed my hair.
"Meron naman," sambit ko. "I invented some formulas."
"Taray! May balak ka atang sumunod sa yapak ni Isaac Newton!" natatawang sabi ni Suji sa akin ngayon. I just shook my head at her.
It was true though. Inimbento ko lang yung mga formulas na ginamit ko roon. Pinakopya ko na rin si Bourbon para hindi lang ako ang mababa ang score bukas pag iaannounce na ni Miss ang scores namin. Nakakahiya pag ako lang mag-isa.
"How's your school?" Papa asked, nakangiti sya habang kumakain ngayon. Good mood ata.
"Okay lang naman po, Pa." sambit ko kaya napangiti sya lalo. "Good mood ka po pala, Pa."
"Of course!" napangiti lalo si Papa bago hinalikan ang pisngi ni Mama na ngayon ay naguguluhan na habang nakatingin kay Papa. "I made a deal with some successful businessman! Yoohoo! Aasenso na lalo ang kompanya ko nito!"
I just smiled for Papa while Mama keeps on saying how proud she is of Papa. Hindi ko magawang magsalita nang kung ano pag kompanya na ni Papa ang topic namin. All of us already know how much I hate the idea of me being a businesswoman. I am the one who's living my life, I get to decide, whether they like it or not.
"Anak? Pwede bang mag-usap muna tayo saglit?" Mama asked.
Papasok na sana ako sa kwarto ko pero napatigil ako dahil sa biglaang pagsalita ni Mama sa likuran ko. I smiled and nodded at her softly. Tumungo lamang kami sa balcony para doon na kami mag-usap.
BINABASA MO ANG
AS1: RISK [✔]
Romansa"You will always be my star, Zari." Despite her fear of taking risks, Zari Alferez conquered it for Gin Castres. However, as time passed, fate became crueler. Her worry manifested itself in an unexpected way. She had lost him. As the agony enveloped...