37

20 3 0
                                    

Chapter 37
Zari

"Akala ko ba maghi-heal ka na? Bakit parang mas pinapalala mo yung sakit na nandyan sa puso mo?"

I rolled my eyes at Suji's question. Nandito kami ngayon sa opisina ko. I'm working. It's been months already since Gin left for his divorce with Syrine. Nasabi ko na rin kila Reign at Suji na maghi-heal na ako para pagkauwi ni Gin, handa na ako. But how can I unwind myself if I have responsibilities?

Kapag wala akong trabaho, nakikipagkita naman ako kay Amarah para tumulong sa kaso. Nahuli na kasi iyong serial killer at kinuha ako bilang isang witness sa trial. The trial is still on process for now.

"Zari, you cannot heal. Para mo pa ring tinatakbuhan iyong sakit," sabi ulit ni Suji, ginugulo ako sa pagtatrabaho.

I sighed before looking at her. Tinaasan nya pa ako ng kilay, hinihintay ang sasabihin ko. "Alam mo namang may trabaho ako. Ang dami kong projects."

"Sa linggo," sabi nya kaya napakunot ang noo ko. Napanguso sya. "Wala kang trabaho nyan."

"Bibisita ako kila Mama kasi na-miss na raw nila ako."

"Pumunta ka roon pagkaumaga tas sumama ka sa akin pagkahapon," sabi nya.

Napakunot ang noo ko. "Isasama mo ba ako sa date nyo ni Shawn?" I asked because Shawn is already here. Bumisita na sya rito sa Pilipinas at tuwang tuwa naman si Suji. "If yes, I don't want to," dagdag ko pa.

Napahalakhak sya. "No! Remember Bourbon Alias? Iyong classmate natin noong grade 11! Iyong may crush sayo!" diretsahang sabi nya sa akin.

"Shut up! Hindi naman iyan totoo," sabi ko kasi magkaibigan lang talaga kami ni Bourbon para sa akin.

"It's true!" sigaw nya sa akin. "Ay sorry," kaagad na sabi nya nang sinamaan ko sya ng tingin dahil sa pagsigaw. "Anyways," pagpatuloy nya sa sasabihin. "Manhid ka lang kasi. Sinabi nya iyon sa akin! Crush ka raw nya since elementary pero torpe sya pagdating sayo."

"Whatever," tanging sabi ko sa sinabi nya. Totoo man iyan o hindi, wala akong pake. He's only a friend for me. Hindi na lalagpas doon ang pagtingin ko para sa kanya. "So, what about him?"

Napangiti sya dahil sa tanong ko at may nilabas sya sa bag nya. It's two envelope that has a fancy design on it. "Ikakasal na sya ngayong Sabado!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. Napaayos tuloy ako nang upo sa swivel chair ko. "Really?! May papatol pala sa kanya?"

"Harsh mo naman! By the way, true. Bulag ata si girl! Joke!" sabi nya kaya agad kaming nagtawanan. "Anyways, he invited us! Si Reign din inimbita nya. Punta tayong tatlo, ha?"

"Tayong tatlo lang inimbita?" tanong ko. "Paano si Syrine? They're also friends."

Napairap si Suji sa akin. "Nasa Florida iyon! Alam nya kaya hindi nya nalang inimbita," sabi naman ni Suji kaya napatango na lamang ako.

I didn't expect that he'll be marrying someone already. May usapan kasi sila dati ni Suji. Hindi ko alam kung biro lang ba iyon o totoo. They told each other that if they find themselves single at the age of 30, they'll be marrying each other.

Buti nalang pala at bago sila nag 30, may naging jowa na sila. Buti nalang din at ikakasal na si Bourbon ngayong sabado. I just can't imagine Suji and Bourbon marry each other. They look like siblings for me.

"Hindi ka rito matutulog?" Mama asked while we're eating lunch.

Nandito kami nila Mama at Papa sa dining area. We're eating lunch together since it's been weeks already since we last met. Habang kumakain kami, nasabi ko sa kanila na aalis ako pagkatapos namin kumain.

"Ma, I'll be attending my friend's wedding."

Napatingin kaagad si Papa sa akin dahil sa sinabi ko. "Who?"

"Bourbon," I answered.

Napatango si Papa sa akin. "Hayaan na natin ang anak natin, hon. She's already matured enough to handle her ownself. Hindi pwedeng palagi nya tayong kasama o palagi natin syang sasamahan. Malaki na si Zari."

Mama immediately pouted. "But..." she looked at Papa with her cute expression which made Papa sigh. "...I miss our daughter."

"But she's attending her friend's wedding," Papa also said.

"Fine!" sabi ni Mama, napairap pa sya kay Papa kaya natawa nalang kami sa kanya.

We just talked about Bourbon. They even asked me about my gift and outfit for later which I answered. The topic changed suddenly, and it made me speechless when Mama immediately asked me out of nowhere.

"Did Indy hurt you?" Mama asked with a serious tone. "I heard that she went to your office and hurt you physically. She even said mean words."

"Totoo ba iyon, Zari?" Papa asked when I didn't answer Mama.

Should I lie? But...I can't. Hindi ko magawang magsinungaling kay Mama. I don't have a choice but, to be honest with them. I told them the truth and it made me bite my lips when Mama immediately talks bad about Tita Indy.

"Ang sama talaga ng ugali ng babaeng iyon! Ang kapal ng mukha nyang saktan ka, ha! Hindi nga kita napalo noong bata ka pa tapos sasaktan ka lang nya?!" napabuntong hininga si Mama para kumalma.

Tumayo si Papa para pakalmahin si Mama. "I'll talk to my brother about what his wife did. Don't worry about it anymore."

Na-guilty tuloy ako kaya tahimik na ako habang kumakain kami. May mga magaganda akong damit na natira rito sa bahay kaya dito na rin ako nagbihis. Nasa kotse ko naman ang regalo ko para mamaya kaya hindi na ako kailangan pa na dumaan sa condo ko.

"Ma, is this good?" tanong ko kay Mama, pinapakita sa kanya ang suot ko ngayon.

The theme is white and rose pink. I decided to wear my color rose pink t-shoulder dress. Puti naman ang kulay ng heels na suot ko ngayon pati ang purse na dala ko.

Mama checked my outfit, from head to toe. She smiled afterwards. "Ang ganda talaga ng anak ko," tumayo sya para mahalikan ako sa pisngi.

Napangiti na lamang ako. I just did my hair afterwards. Tumawag na si Suji kaya sinabihan ko nalang sya na mauna na sya sa venue. Malapit na rin naman akong matapos sa pag-aayos.

"Anak?" tawag ni Mama sa akin kaya napalingon ako sa kanya habang inaayos ang buhok ko. "Gin will be single again. Dalawang buwan nalang bago sya makauwi na rito sa Pilipinas."

Napabuntong hininga ako nang mapagtanto kung ano ang gustong iparating ni Mama. I smiled at her before looking at my reflection on the mirror again while doing my hair.

"Gin and I already talk about it, Ma."

"Really?" gulat na tanong ni Mama sa akin na tinanguan ko na lamang. "And your decision is?" tanong nya.

Napakagat ako sa labi ko. "I'm still not sure, Ma. I'm still thinking about taking risks again or not," sabi ko at ngumiti nalang kay Mama.

Natahimik si Mama sa sinabi ko. I just focused on my hair and tried to forget about Gin. Kailangan ko na kasing magmadali kasi baka ma-late ako. After I did my hair, lumabas na kaagad ako sa bahay.

Hinatid lamang ako nila Mama at Papa sa labas ng bahay. Pagkapasok ko sa kotse ko, binaba ko lang ang bintana para makausap sila Mama at Papa bago makaalis na.

"Aalis na po ako," sabi ko sa kanila.

Napatango si Papa sa akin. "Mag-ingat ka, Zari. Always be cautious when it comes to driving."

"Yes po, Pa."

Ngumiti si Mama sa akin. "Send me some pictures, okay?"

"Sure, Ma. Aalis na po ako. Bye!" sabi ko na kaagad naman nilang tinanguan.

While driving...I remembered what Mama said. Na dalawang buwan nalang at babalik na si Gin. I sighed while driving. It's been a while since I talked with you, huh? How have you been in Florida?

If only I can talk to him now. I miss his voice. I miss everything about him and yet I'm scared to see him again. I still love him but my fear is stronger than my love for him.

AS1: RISK [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon