Chapter 30
Zari"Zari, how can I unlove the stars?"
His question stunned me. I bit my lips because of the pain. I didn't expect him to ask me this kind of question because I thought he will always love the stars...as I do.
"I don't know," was the only thing I said.
I really don't know how. Sometimes, I wanted to unlove the stars also and despise them since they reminded me of him...but how could I? I always come back to them. They became the source of my peace of mind since I was a child...which made it so hard for me to unlove them.
Since that incident, I avoided his gaze when the morning came. Hindi ko na rin magawang ma-enjoy ang reunion. Nandito na lamang ako sa cottage at tutok sa phone. Ayaw ko rin na maligo sa dagat kasi masyadong mainit.
"Puro ka na naman phone," suway ni Mama sa akin pagkakita nya sa akin. Tinuro nya ang mga relatives kong naglalaro sa mga pa games. "Sumali ka, nak."
Pagod akong umiling kay Mama. "Ayoko po. Wala po akong gana."
"Ayos ka lang ba?" kaagad na tanong ni Mama sa akin dahil sa sinabi ko. Idinikit nya sa noo at leeg ko ang kamay nya. "Wala ka namang lagnat."
Mahina akong natawa. "Wala po akong sakit. Wala lang talaga akong gana na sumali sa mga palaro."
Napailing nalang si Mama at hinayaan ako. I just watched them enjoying the event because I'm trying to forget about what happened last night. Kumain lamang kaming lahat bago nagligpit na ng mga gamit.
Ang mga batang naligo sa dagat ay kaagad binihisan ng mga magulang nila kasi aalis na kaming lahat. Ako naman ay inaalalayan lang si Lola para maayos syang makasakay sa sasakyan nila Fleyziah.
"Salamat sa pagtulong, Zari." nakangiting sabi ni Fleyziah sa akin.
Tumango lang ako. Hinalikan ko lang ang pisngi ni Lola bago tumungo na sa kotse namin nila Mama para makauwi na kami. Kaagad na akong tumungo sa kwarto para magpahinga kaagad dahil sa pagod galing sa byahe.
After I woke up, I just had dinner with them before I came back to my condo so I'll be early at work the next day. I just did the things I used to do so I could forget that conversation we shared.
"Ms. Alferez, may sulat po na ipinadala para sa inyo."
I accepted it from one of the workers here. I immediately said 'thank you' after accepting it. Kaagad kong binuksan ito para basahin. I was stunned when it was a birthday invitation from Johan.
I didn't know about his birthday and did not expect that I would be invited so I was really shock about it. Kaagad kong tinanong si Suji kung dadalo ba ako nang makauwi na ako sa condo.
"Ano naman ngayon kung nandoon din si Gin? Nakayanan mo nga noon sa reunion natin." napairap si Suji sa akin. "Dumalo ka na. Kaibigan mo na rin ito diba?"
I blow a breath. "Samahan mo kaya ako nyan?" tanong ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ko. "Hoy, nakakahiya ka! Ayoko! Ikaw lang naman inimbita tas idadamay mo pa ako. Chat mo nalang ako kapag may nangyari."
Pinilit ko pa nang pinilit si Suji pero ayaw nya talaga kaya wala akong nagawa kundi hayaan nalang sya. The day before the party, I spent my day looking for a dress that fit the theme. Bumili na rin ako ng regalo para kay Johan.
"Dali na! Malilate ka na sa party nyo!" sigaw ni Suji sa labas habang naliligo ako rito sa loob ng banyo ko.
"Teka lang naman!" sigaw ko habang nagsasabon ng katawan. "Ang pangit din naman kasi kung ang baho ko pagdating doon!"
BINABASA MO ANG
AS1: RISK [✔]
Romance"You will always be my star, Zari." Despite her fear of taking risks, Zari Alferez conquered it for Gin Castres. However, as time passed, fate became crueler. Her worry manifested itself in an unexpected way. She had lost him. As the agony enveloped...