19

30 2 0
                                    

Chapter 19
Zari

"Wala na naman kayong date ngayon ni Gin?" gulat na tanong ni Suji sa akin. "Himala. Dalawang linggo na kayong ganyan. Buti nakakaya nyo."

It's been two weeks since our date on their beach. Simula noon, konti na ang oras na binibigay nya sa akin. Hanggang lunch break na lamang kami kasi maaga na syang umuuwi sa bahay nila pagkatapos ng klase. He said it's a family matter.

I trusted him so I just let him. Nakaka text ko pa naman sya at nakakausap paminsan minsan kaya hindi ako nagrereklamo. But I still hope that he's not busy later. I just want to have a date with him. Cinema date sana.

"I don't know. If busy sya, hindi na naman kami makaka date ulit. But if he's not, baka magdidate kami." sagot ko kay Suji.

Suji shrugged her shoulder. "Saan? Milk tea shop ba?"

"Sa sinehan sana."

Suji and I just talked more before the bell rang. May klase kami sa oras na ito kaya dumiretso na kami sa classroom. 10 minutes na at wala pa rin si Miss kaya nakuha pa ng iba sa amin na makipag chika sa isa't isa. Ako naman ay kinuha nalang ang phone para itext si Gin.

Me: u busy?

Pagkatapos kong itext, naglaro muna ako sa phone ko. Nakadalawang laro ako bago nag reply sa akin si Gin. Dali-dali ko namang tinignan kung ano ang reply nya.

Gin: absent si sir, love. why are u using ur phone btw? wala kayong klase?

I smiled at his reply.

Me: late si miss, love.

Gin: tara laro ml

Me: idk how to play that game

Gin: later nalang. turuan kita maya.

Me: U'RE NOT BUSY ANYMORE? U'LL SPEND TIME WITH ME LATER?

Nakangiti ako habang tinatype ito bago ito sinend. Napairap pa ako kay Suji nang asarin nya ako.

"Doon ka nga," sabi ko sa kanya.

Napahalakhak sya. "Cute mo namang kiligin. Pakiss nga, insan!" she puckered her lips.

Napairap ako ulit sa kanya. "Gross."

She just laughed at me. Naglalaro sya nang COD kasama ang jowa nya kaya kinikilig sya ngayon habang hawak ang phone nya. She looked happy. Good for her.

Nag vibrate ang phone ko kaya tinignan ko kaagad ang reply ni Gin.

Gin: hahahahaha cute mo naman. sayo ako maya.

Me: ok i love you

Gin: i love you

Saktong pag reply ni Gin, pumasok na si Miss. Kaagad bumalik ang lahat sa kanya kanyang upuan at tumahimik na. Kami namang mga gumamit nang phone ay kaagad itong binulsa. Rinig ko pa ang pagrereklamo ng mga lalaki kasi naka rank daw sila.

"Date kayo mamaya?" pabulong na tanong ni Suji habang inaayos ni Miss ang mga gamit nya sa teacher's table.

"Yup. Free sya mamaya." sabi ko.

Siniko nya ang tagiliran ko, inaasar ako. "Mag skirt ka,"

I don't understand what she meant by it, that's why she chuckled a bit. Buti nalang at hindi sya narinig ni Miss, baka pagalitan kami bigla. After classes, I just waited at our room. Si Suji naman ay nagpaalam na, may lakad daw sya ngayon.

Ganoon din ang sinabi ni Reign sa akin. Si Syrine naman ay maagang umuwi kasi may pag-uusapan pa raw sila ng parents nya doon kasama ang mapapangasawa nya at ang mga magulang nito. I was worried at first but she assured me that she's fine.

AS1: RISK [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon