20

25 2 0
                                    

Chapter 20
Zari

"GUYS, ATTENTION! LISTEN TO ME, MGA ENDANGERED SPECIES!" sigaw ng president namin sa classroom- nasa may bandang blackboard sya. Dahil sa pagsigaw nya, lahat kami ay napalingon sa banda nya. "Okay, so. Hear me out." Humina na medyo ang boses nya nang mapansing nasa kanya na ang atensyon namin.

"Ang gwapo ko namang endangered species," sabi ng isang classmate namin na agad namang inirapan ni president. Lahat kami ay natawa dahil doon.

"Sino ang may mga jowa rito?" biglaang tanong ni president. Lahat naman ng may jowa ay nagtaas nang kamay- kabilang na kami roon ni Suji. Napairap si president sa amin. "Okay. Sana all." Nagtawanan kami dahil naging bitter sya bigla.

"So, ano ba ang sasabihin mo?" ani ng isang classmate namin.

"Pwede kayong pumunta sa parke mamaya. May pasabog si Mayor! Diba, these past few weeks, ang daming tao na nag-aayos doon?" tanong ni president na kaagad naman naming tinanguan. Napapansin din namin kasi iyon, doon kami napapadaan bago makapunta sa school. "May mga stall doon kung saan pwede kayong kumain. May mga photobooths din! May mga banda rin na kumakanta roon! I went there yesterday with my jowabells!" napatili pa sya.

"Hoy, baklang Chihuahua. Wala kang jowa!" sigaw ng best friend ni president. We all laughed at what he said. They are both gays, by the way.

"Umepal pa nga ang balyena," rebutt naman ni president kaya natawa kami lalo. "Anyways, tinatawag ni Mayor itong Park of Roses. I don't know kung ano ang ibig sabihin noon. Siguro dahil swak sya pang date sa mga jowa ninyo or wala silang maisip na iba na pwedeng ipangalan doon. Hanggang next week lang ito kaya pumunta na kayo hangga't hindi pa natatapos ang event."

"Paano kung walang jowa?" tanong naman ng isang classmate namin.

"You can go there with your friends." Sagot naman ni president. "Kaya subukan nyo na huwag mainggit sa mga jowang nakikita nyo sa gilid. Sakit sa mata nila! Ang haharot! Jusme!"

Natawa kami kay president. Dahil sa event na yun, na excite ang lahat sa amin. At mukhang hindi rin sa classroom namin kumalat iyon. Buong campus sya kumalat. Kada daan namin nila Suji, iyon ang naririnig naming chika. Even the teachers are interested in going there with their loved ones.

"Pupunta kayo kasama ang mga jowa nyo?" tanong ni Reign habang binubuksan ang Tupperware nyang may lamang salad.

"Yes. I already told him. Okay naman sa kanya," sagot naman ni Suji, nakangiti pa sya habang sinasabi ito.

Napabuga ako nang hininga. "I don't know. He's busy."

Natahimik sila Reign at Suji. Hindi ata nila alam kung ano ang sasabihin. Gin texted me earlier that he won't be having lunch with me. Kasabay nya raw sila Eros ngayon. I just replied that it's okay even though it's not. Si Syrine naman ay hindi sumabay sa amin. Sabi nya ay may ibang kasabay raw sya. Hinayaan nalang namin.

May konting oras pa para tumunog ang bell kaya ginamit naman ito para ayusin ang mga sarili namin. Si Suji ay naglalagay nang liptint sa kanyang labi habang si Reign ay naglalagay nang pulbo sa mukha nya. Ako naman ay nagsusuklay lang.

"Reign, pupunta ka sa park mamaya?" tanong ko kay Reign.

Natigilan sya sa ginagawa nya. Namula ang pisngi nya kaya napataas ako sa kilay ko. "H-Hindi. Mukha ba akong may jowa?" inirapan nya pa ako.

Kaagad na napahalakhak si Suji. "Ayoko nalang mag talk."

"Siraulo." kaagad na sabi ni Reign kay Suji.

Napailing na lamang kami at natawa. Sa totoo lang ay gusto kong imbitahan sana sila na pumunta sa park. Gusto ko kasing pumunta roon. Napapikit ako nang mariin bago kinuha ang phone ko para tawagan si Gin.

AS1: RISK [✔]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon