Prologue

88 4 0
                                    


Sa mundo,dalawa lang tao ang nandyan.

Isang nanakit.

At isang nasaktan.

Isang nang-iwan.

At isang iniwanan.

Isang nang-uto.

At isang nagpauto.

Bitter ba?

Ganun talaga pag nasaktan ka.Nasasabi mo yung mga bagay na hindi mo naman sinasabi noon.

Five years ago,nung hiwalayan ako ng ex ko.Ng first boyfriend ko.Ng first love ko.

We're about to celebrate our sixth year anniversary that day nung bigla na lang siyang tumawag at nagsabing...

"Maghiwalay na tayo."

Dahil shocked ako,hindi ako nakapagsalita.Hindi ako nagkaroon ng chance para magtanong,magalit o kahit ano.

Dahil hindi magsink-in sa akin yung nangyari kinailangan ko pang magkulong ng dalwang araw sa kwarto ko para lang maintindihan yung nangyayari sa akin.

And when finally I realized na gusto kong magmakaawa sa kanya na balikan niya ako...

It's too late.

He's gone...

And he left me hanging.

Pumunta ako sa bahay niya para hanapin siya pero ang sabi,umalis na daw siya.Pumunta na sa America.

Hindi ko naintindihan yung mga bagay bagay noon.

Bakit siya umalis?

Bakit niya ako iniwan?

Bakit hindi niya sinabi?

Akala ko noon,habang buhay na ako magdudusa.

Habang buhay na ako magmomove-on.

Habang buhay ko dadalhin yung mga sakit at mga tanong kung mahal niya pa rin ba ako.

But not until I met this guy.

Na katulad ko,broken hearted din sa first love.

Na tulad ko,gusto na ring makalimutan ang nakaraan.

At tulad ko...

Na naghahanap rin ng bagong happiness.

We decided to help each other.

And the story starts there.

Pero bakit ganun?

Ang usapan sabay kami dapat magmove-on pero bakit nauna ako?

Nung pumana si cupid bakit ako lang yung tinamaan kahit lagi naman kaming magkasama?

Sana hindi na lang ako nagmove on kung ang kapalit noon...

my rejection from you.

My role here was to forget him not to love you.

-Cris Mendez

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon