chapter 13

25 1 0
                                    

chapter thirteen

"G..baba ka na bilisan mo.Ang ganda ng dagat pag gabi."

Tss..ano namang maganda sa dagat kapag gabi?Eh ang itim itim.

Pagkasabi niya kanina na iinom kaming dalawa,nagpahatid agad siya dito.Dito pa talaga.Sa lugar kung saan kami unang nagkita.

Umupo kami sa may bench.

Nilabas niya sa plastic yung mga binili niya.

Anim na beer in can,tatlong balot ng potchi-yung pink na mallows,saka bulak at panggamot sa sugat.

"G...gagamutin ko yung sugat mo."tumabi siya sa tabi ko.

"Huh?Ah..wag na.Hindi naman masakit e."

"Kahit na.Kasalanan ko naman eh,di ba?Kaya halika na.Humarap ka sakin."

"Huh?"

"Anong huh?Bilis na.I insist."

Dahil ayokong humarap sa kanya,ginawa niya na naman yung kanina.Hinarap niya yung mukha ko sa kanya.

O_____O

Aalisin ko na sana yung pagkaharap sa kanya kaso pinigilan niya ko.

"G naman eh.Wag kang malikot."sabi niya saka kinuha yung bulak at sinawsaw sa kung ano.Saka niya di umano ay ginamot ako.

"Aray!Dahan dahan naman!"

"Ay sorry.Dadahan dahanin ko na."

Dinahan dahan niya nga.

"G..."hindi ko siya nilingon dahil alam kong nakatingin siya sakin.?_?"Hoy G..."

"Ano?Bakit ba?"inis kong sabi sa kanya

"G...salamat ha."

"Tss..wag ka ng magthank you.Last time na nagthank you ka,inaway mo pa ako."

"Hehe,sorry ha.Pero thank you talaga.Seryoso ako.Hindi ko alam,war freak ka pala.Hahaha."

"Hoy hindi ako war freak no!"

"Ayan ok na.Gagaling na yan dahil ako mismo ang gumamot.Hahahahahaha!"sabi niya saka tumawa ng malakas.

Haysh.Hinawakan ko yung ginamot niya.Ayos ah.Hindi na nga masyadong mahapdi.

"G,gusto mo ba?"kinuha niya yung mga beer."Isa lang yung sayo ha."

Kinuha ko yung inabot niya saka binuksan.

"So ibig sabihin yung lima sayo?"

"Oo.Ganun nga."

"Teka nga..bakit mo naisip uminom?"

"Huh?Ah...eh...wala naman.Naisip ko lang haha."

Ngumiti siya pero nawala din agad.Hay.

"May problema ka ba?"

Ewan ko kung saan ko nakuha yung tanong na yun.

"Uhm...wala."sabi niya pero mahina lang tapos narinig ko na lang siya na humihikbi."Hehe..Pasensya ka na ha.Nung una tayong nagkita dito,umiiyak ako.Pati ba naman ngayon?"

Hindi ako nagsalita.Hindi ko kasi alam ano ba ang dapat sabihin ko.

"Ah,alam ko na...open secrets na lang tayo G!"

"Open secrets?Ano yun?"

"Eh di open secrets!Sabihan tayo ng sikreto!"

"Ayoko nga.Secret nga eh bakit ko sasabihin sayo?"bigla niya kong pinalo sa balikat."Aray..Kanina ka pa ah!"

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon