chapter 23

19 0 0
                                    

chapter twenty three

Lubdub.Lubdub.Lubdub.Lubdub.

Okay heart.Baka gusto mo namang magpahinga di ba??Five minutes na ang nakakalipas nung inatake ka ng ngiting yun,hindi lang makaget-over???

Hay,nagwoworry na ko sa sarili ko ha.Nababaliw na ata ako.Eh kasi naman si G eh.Alam ko naman na gwapo siya,kailangan ba talagang magpacute sa harap ko??Waaaaaaaaaaaaaah ano ba naman tong sinasabi ko?Hindi pang 28 year-old tong state of mind ko eh!Para akong highschool student (-__-)!

Pumasok na ko sa unit ko.Syempre ganun pa rin nung iniwan ko.Nilapag ko sa sofa si G-yung panda este yung bear,ako naman dumiretso ako sa kwarto ko para kumuha ng damit.Magpapalit na ko ng damit,ang lagkit ko na rin no?Kailangan ko ring hugasan yung sugat ko.Sabi ni G kailangan ko raw hugasan.Oh well,sabi niya man o hinde,huhugasan ko naman talaga to no!!!

Pagkatapos kong maglinis ng sarili ko,naghanap naman ako ng pagkain sa kitchen.Gutom na ko eh.Hindi man lang ako pinakain ni G ng kanin kanina.Kamusta naman yun di ba?Kakagutom kaya?!Hindi naman ako marunong magluto eh..puro instant at delivery lang yung nakakain ko unless pumupunta si Jena dito para magluto.Buti pa siya,masarap magluto.Aha!Alam ko na!Bakit hindi ko na lang kaya siya papuntahin dito para may makain akong matino?

Kinuha ko yung phone ko at dinial agad yung number niya.Saka lagot pa yun sakin eh.Niloko niya ako kanina.

ring ring ring*

"Hello Cris!!!"excited na sabi ni Jena sa kabilang line.

"Anong hello Cris ka diyan?!Hoy!May atraso ka sakin ha!"

"Oh yeah I know.Hehe.Sorry friend ha.Hehehehe."

"Baliw ka talaga!Naiinis ako sayo,alam mo yun?Kaya pumunta ka dito,ipagluto mo ko!"

"Ay,sorry friend.Hindi ako pwede!!May meet-the-family drama kasi ako ngayon."

"Anong meet-the-family drama ang sinasabi mo?"

"Imi-meet ko yung parents ni Kit sa isang dinner tonight."

Halos malaglag naman ako sa kinauupuan ko nung marinig ko yung sinabi niya.

"Ano???Seryoso ka?"

"Oo no!Sige na!!Parating na si Kit eh.Punta ako diyan bukas.Kwentuhan tayo hihi."

"Hihihi.Sige sige.Go friend.Kaya mo yan.Alukin mo na ng kasal.Sayang si Kit.Mayaman din yan haha."

"Baliw ka talaga.Oh sige na.Babye na.Magluto ka na lang muna ng kahit ano diyan.Babye."

-endcall

Abah akalain mo nga naman.Mag-aasawa na ata yung bestfriend ko.Nakakatuwa naman.Matagal na rin na nga naman kasi sila ni Kit.Five years kung hindi ako nagkakamali.Si Kit kasi isang negosyante.May restaurant siya na pinatatakbo.Ang gusto kong iparating...mayaman siya.Hehe.Well,mayaman din naman si Jena.Doctor yan eh,paanong hinde???Pero hay...ang daya naman ni Jena?Mag-aasawa na siya?Paano na ko????

Naghanap ako ng makakain sa fridge.Wala naman akong nakita kundi gatas,orange,saging,tubig,juice at isang box ng chocolate.Haysh...gutom na ako.Naghanap naman ako sa mga cabinet at thank God.May nakita akong instant noodles.Pwede na to.

Nung matapos ako ng pagkain alas nueve na.Kaya nagdecide na ako na mahiga na sa kwarto ko.Muntik ko pang makalimutan si G-yung panda este bear.Ano ba namang manikang to!Nahawa na ako kay G!Panda na nga lang kahit bear siya.

Pagod ako,ang daming nangyari eh..pero hindi naman ako dalawin ng antok.Haysh.Tinitigan ko yung panda na katabi ko.Naalala ko si G.Si G na masungit.Si G na may pagkamoody.Minsan madaling magalit at hindi mo mabiro...pero minsan naman ikaw naman yung susuko sa kakulitan niya.Hay.

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon