chapter 30

29 0 0
                                    

chapter thirty

"Oh sige mga bata kain lang kayo ng kain!"sabi ko sa kanila.

Nandito na kami sa covered court.Dito daw kakain yung mga bata.Tapos kami naman,sinasandukan namin ng gusto nilang pagkain yung mga bata.Ang cucute nga eh.

"Kim...Sander...kumain na rin kayo.Ako na bahala dito."sabi ko dun sa dalawa na kanina ko pa kasama sa kusina hanggang dito.Wala pang pahinga.

"Sigurado po kayo Ms.Cris?"

"Oo naman.Sige na!"

"Eh paano po kayo?Hindi pa rin kayo kumakain?"

"Ok lang.Mamaya na lang ako.Mauna na kayo.Bata kayo eh...dapat hindi kayo nagpapahuli sa pagkain."

"Sige po Ms.Cris."

Career much na naman ako.Hehe.Ok lang enjoy naman eh.Kung nakita niyo lang yung mga itsura nung mga bata kanina,tuwang tuwa sila.Kapag pinapipili ko sila kung anong gusto nilang kainin,halos ituro na nila lahat ng nakahain sa lamesa.Gusto ko rin naman sanang ilagay,kaso hindi kasya sa plato nila.Pati baka sumakit yung tyan nila sa sobrang dami.Hehehe.

Sayang nga lang.Kung alam ko lang sana na dito pala kami pupunta ni G,eh di sana nakapagdala ako ng regalo para sa mga bata.

But speaking of G....

+_+

He's with her,again.

Busy sa masayang kwentuhan.Nagtatawanan sila at parang masayang masaya na nakita ulit ang isa't isa.Ewan ko kung yun nga ba yun o talagang exaggeration lang yung pinaiiral ko dahil...nagseselos ako.

Huhu.Ang sabi ni Ms.Ana.Nagseselos daw ako.Maybe bilang kaibigan o mas higit pa doon ang sabi niya.Pero normal daw naman yun para sa magkaibigan.May mga bagay na hinihiling mong sana ikaw...sana sayo...pero ang mahalaga,you know how to place yourself.Yung selos at inggit na nararamdaman mo kaya mong ilugar at kontrolin sa sarili mo para hindi ka makasakit at masaktan.

General yung advice niya,kaya itetake ko rin tong nararamdaman ko generally.

Nagseselos ako kasi KAIBIGAN ko si G.No more than that.Kaibigan lang!

After thirty minutes na pagiintindi ko sa mga batang kumakain,nagsidatingan na yung mga Miss na kakatapos lang kumain.

Mga Miss yung tawag sa kanila kasi mga matatandang dalaga kasi sila.Pero yung iba mga widow na.

"Oh Cris,mukhang napasarap ka na diyan ah."bati sakin ni Ms.Maria nung makalapit siya sa akin.

"Hehe.Oo nga po eh.Nakakatuwa kasi yung mga bata.Ang sarap po nilang tingnan kumain."

"Naku ganyan nga talaga.Hehehe.Teka...kumain ka na ba?Ang sabi ni Ms.Ana..kanina ka pa raw rito?"

"Ah...medyo po."

"Ay naku,kumain ka muna!Tawagin mo na si G at intindihin ka niya."

"Ay wag na po!"bigla kong nasabi.Nagulat nga ata siya eh."Hehe...Ms.Maria.Hindi pa kasi ako nagugutom eh.Magpapahinga na lang po muna ako saglit."

"Aah...ganun ba?Oh sige.Masarap mamahinga doon sa garden namin diyan lang sa tabi.Presko ang hangin doon."sabi niya saka niya ako nginitian.

"Salamat po."

"Sige basta kumain ka lang kapag gutom ka na ha."

"Ok po."

Naglakad ako papuntang garden na sinasabi ni Ms.Maria.At tama nga siya.Ang presko nga ng hangin.Naupo ako sa may isang bench with matching wooden table pa.Ang cute nga eh.Yung ibang bata dito kumakain.Pero halos lahat mga kabataan pero sama-sama sila.

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon