chapter 24

27 0 0
                                    

chapter twenty four

Kinabukasan...it's saturday.And tinupad nga ni Jena yung promise niya.Nandito siya sa bahay.Nagluto siya ng lunch naming dalawa.Sinigang na baboy.Grabe ang sarap lang ha!!

"Grabe!Ang sarap Jena.The best ka talaga magluto!Dapat nagchef ka na lang kesa nagdoctor!"

"Heh!Tumigil ka nga!!Wala akong balak magpalit ng profession para sayo no?"

"Teka..ano na nga palang nangyari sa inyo kagabi?Meet-the-family drama pala ha?Bakit papakasalan ka na ba ni Kit???"

"Oh em ji friend!!!Alam mo ba?Super kabado ako kagabi.Kasi nga...I have no idea na lalabas pala kami ni Kit kasama ng parents niya.Basta ang sabi niya lang sakin..magdinner daw kami sa labas."

"Oh,eh nung kusap kita alam mo na ah."

"Ayun nga,sinabi niya lang sakin nung malapit na siya.Nag-ayos pa tuloy ako ng todo."

"Haha.Oh eh ano naman daw naging impression sayo nung parents ni Kit?"

"Uhm..maganda daw ako.Hahahaha."

Conceited -_-

"Okay naman sila.Mabait.Saka ang ganda ng mom niya."

"Eh bakit ka daw pinakilala ni Kit sa parents niya?Magpapakasal na ba kayo?"

Bigla nawala yung smiling face niya.

"Actually,hindi naman namin yun napapag-usapan ni Kit eh."

"Huh?Bakit naman?Eh ang tagal na ninyo ah.Saka on the right time na rin kayo magpakasal.28 ka,29 siya.Oh sakto lang para mag-asawa!!"

"Naku naman!Nagsalita ang may asawa na!!Eh boyfriend nga wala ka.Kadate nga,sapilitan pa!!!"

Wow!!Biglang lipat sakin nung issue???

"Hindi nga...ano bang plano niyo ni Kit?"

"Hay,ewan ko ba sa kanya.Pero kung ako naman ang tatanungin.Syempre gusto ko ng magpakasal.I mean..matagal na naman kami eh.Mahal ko siya at pinakikita niya rin naman sakin na mahal niya rin ako.And I wanna live the rest of my life with him.Pero ayoko namang mauna mag-open ng tungkol sa

kasal.Baka naman kasi ayaw niya pa magpakasal,baka ako lang :( "

Gusto ko sanang pagtawanan si Jena kasi ang pangit niya sa sad face niya,kaso wag na lang.Depressed eh.

"Haay....mabuti pa.Wag mo munang isipin.Hindi mo naman kailangang istress yang sarili mo kakaisip diyan sa kasal na yan.Kumain na nga lang muna tayo."

"Eh,ikaw ano namang nangyari sa inyo sa date niyo ni G kahapon?"

Muntik na kong mabilaukan sa bigla niyang tanong.

"Tsss...Salamat sa pangloloko kahapon ah!"sarcastic kong sabi sa kanya.

"Sus!Wag ka ngang magalit diyan alam ko namang nag-enjoy ka!"

"Nag-enjoy ka diyan?!"

"Eh ano ba kasing nangyari!Kwento na bilis!!"

"Uhm...Wala naman masyado.Lumabas lang kami."

"Inaaya ka niya makipagdate?"nag i-spark ang mga matang tanong ni Jena.

"Huh?Ah....oo."

"Kyaaaaaaaaaaaaaaah!!Halah Friend!Congrats!!!May lovelife ka na ulit!"

Natawa ako sa kanya.Kung makapagcelebrate parang siya yung nagkalovelife ulit.Ay,hindi pala.Hindi ako nagkalovelife ulit.Hay naku!Nahawa na ko kay Jena eh!

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon