chapter 15

44 1 0
                                    

chapter fifteen

"Kyaaaaaaaaaah destiny na yan friend!!!"

"Anong destiny ang sinasabi mo?Tumigil ka nga."

Andito na naman si Jena ayaw akong tigilan dahil kinukulit niya yung pagtulog ko na naman sa bahay ni G.

"Ang sabi sakin ni G,ikaw yung nagpaalis sa amin?"tanong ko sa kanya

"Oo.Dumating kasi si Niko eh.Ayaw ko lang na magkita kayo or at least makita mo man lang siya."

"Tss...hindi mo na kailangan gawin yun."

"Anong hindi eh nung last time na nakita mo siya eh naglasing ka!"

"Dati yun.Pero simula ngayon hindi na mangyayari yun,hindi na ko iiyak,hindi na ko iinom,at hindi na ko magdudusa dahil kay Niko.Kakalimutan ko na siya."

Bigla siyang pumalakpak.

clap clap clap*

"Ayos sana yang plano mo Cris eh.Kaso...ilang beses ko na yang narinig eh.May 100 ulit na ata.Baguhin mo naman."

Hay naku!Ang sarap batukan nitong si Jena talaga.

"This time,seryoso na ko.Gagawin ko na talaga.Tutulungan ako ni-"natakpan ko yung bibig ko bago ko pa matuloy yung sasabihin ko.

"Tutulong?Sinong tutulong sayo?"nginitian ako ni Jena na nang-aasar."Sabihin mo...si G yan no?Tutulungan ka ni G no?!"

Hay naku!patay na.Wala na kong kawala sa isang to.

"Oo.Siya nga pero secret lang!Walang makakaalam Jena ha.Please."

"Ok..hahahahahaha.Grabe...bukod sa pagiging kadate mo,pati moving on tutulungan ka na rin niya?May gusto ba siya sayo?!"

"Ano ka ba?!Hindi ganun!Alam mo si G kasi...ano yun eh...may pagkaewan din yun.May gusto siya sa bestfriend niya pero yun nga lang..super friendzone na siya.Manhid nga eh."

"Ah..so broken hearted kayong dalawa kaya sabay kayo magmomove-on?Ganun?"

"Hindi naman sa sabay.Ang usapan namin.Magtutulungan."

"Aaah...eh paano kung dahil sa pagtutulungan niyo...kayo naman ang mainlove sa isa't isa?"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Jena!"saway ko sa kanya.

"What?Nagbibigay lang ako ng possibilities."

"Hindi yun mangyayari,ok?Kilala ko si G.And it's impossible."

"Oh well,bahala kayo.I'll be happy much if that would happen anyway.Hahaha."

"Jena naman eh."sinaway ko na ulit siya kaya tumigil na.Yun nga lang tawa pa rin ng tawa.

Baliw talaga yun?!

Ako?Si G????

Hmmm....

*
"Cris...Ikaw nga magsabi sa kaibigan mo na girlfriend kita."

O//////////o

Ano ba yan?!Kinalabutan ako dun ah!Bakit ba naalala yun?!?!?!

Waaaaaaah!!!!

---

"Good morning Cris."all smile na bati sakin ni elsie pagkapasok ko ng monday.

"Good morning din."

Alam niyo natatakot ako kay elsie kapag nakangiti.Ewan ko ba...ganyan din siya noon eh nung tinanong niya si G tungkol dun sa pagkakilala namin.Scary ~>_<~

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon