chapter 28

10 0 0
                                    

chapter twenty eight

~I don't wanna run away, but I can't take it, I don't understand
If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?
Is there any way that I can stay in your eyes?!~

Weird (--___--)

Nandito na naman kami ni G sa tapat ng dagat.Senti siya eh.Pagkaandar ng sasakyan kanina,dumiretso na dito.Ay,hindi pala.Bago kami talaga dumiretso sa bay na to dumaan muna siya convenience store para bumili ng dalawang can in beer.Tapos ayun nandito na kami para mag-inuman.Walang kwentuhan kasi ayaw niya naman magsalita.Naiinis na nga ako eh.Ang tahimik kaya.Nakatingin lang siya sa dagat tapos ako,nakatingin sa kanya.Sa sobrang tahimik mabuti at naisip ko pang magpapatugtog ng If you're not the one ni Daniel Beddingfield.Kaso yun nga lang,nainip pa rin ako.

"G...ano ba talagang meron?Ok ka lang ba?"

Tumingin siya sa akin.Tapos binalik niya yung tingin niya sa dagat.Hay ang walang kwenta talaga.Ininom ko na lang yung beer na binigay niya sa akin kanina.Grabe lang ha.Mukhang nagiging lasengga na ata ako ngayon ah.At napapadalas pa na si G yung kainuman ko.

Biglang lumakas yung hangin.

"Ang lamig."sabi ko sa sarili ko.

"Nilalamig ka na ba?"napatingin ako kay G."Tara..iuuwi na kita."tatayo na sana siya kaso pinigilan ko siya.

"Wag na..I mean wag muna.Ok lang ako."

"Sigurado ka?"

"Oo.Medyo malamig lang pero ok lang."sabi ko sabay ngiti.

Si G naman,hinubad niya yung suit na suot niya at pinatong niya sa balikat ko.

"Ayan isuot mo muna.Tiisin mo muna yung lamig.Samahan mo muna ako."sabi niya saka niya ako nginitian.

Nginitian niya ako pero bakit ganun...hindi naman siya masaya?

Sinuot ko ng ayos yung suit na binigay niya.

"Alam mo G...hindi maganda na sinosolo ang problema.Mas maganda kung meron kang kasama sa paghanap ng solusyon."sabi ko sa kanya.

"Wala naman akong problema.Meron lang akong kailangan pag-isipan kaya gusto ko munang magpahinga dito."

"Aaah...pero anong papel ko dito?Hindi ba kapag ganun?Mas choice nila yung mapag-isa?"nginitian niya ulit ako.

"I brought you here to remind me na kailangan ko pang umuwi.Baka kasi maisipan kong matulog dito.Kawawa naman ako,baka magkasakit pa ako."he jokes.

Pero kahit sarili niya lang yung iniisip niya nung sinabi niya yun,hindi ako nagalit.Ewan.Parang hindi ko ata siya kayang awayin siya ngayon.Ang calm niya masyado eh.

"Uhm...G?"

"Hm?"lumingon siya sa akin.

"Di ba..sabi mo sa akin nung isang araw...pwede naman akong magtanong sayo?"napakunot ang noo niya.

"Bakit?May gusto kang malaman kay Sandie?"

"Uhm..medyo pero may iba pa!"

"Eh ano?"

"Wag kang magagalit ha?Yung sinabi kasi ni...elsie kanina."bigla niyang iniwas yung tingin niya sa akin."Ok lang ba kung magtanong ako tungkol dun?Pero kung hindi..ok lang.Hindi naman kita pipilitin.Hehehe."

Nagsip siya ng beer niya.

"No.It's ok.Ano bang gusto mong malaman?"

Wow.Pinagbigyan niya ako??

"Uhm...bakit sinabi ni elsie na magpinsan kayo..kahit hindi totoo?"

"Actually,Elsie and I were not blood-related."

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon