chapter 16

20 1 0
                                    

chapter sixteen

Pagbalik namin ni G sa office,nagulat kami nung nakita namin sila sa conference table lahat.

"Oh,may meeting?Bakit hindi niyo kami tinawag?"sabi ni G nung makalapit kami.

"Ah hinde.Ano lang uhm...konting linawan lang dun sa pinag-usapan natin kanina.Hehe."sabi ni raki

Tapos nagtayuan na sila.

"Hay.Ang exciting naman ng project natin.Nakakakilig."narinig kong sabi ni hanna.

Bumalik na rin ako sa cubicle ko katulad nila.

Kaso biglang lumapit si Elsie.

"Cris..."

"Yup?"

Hinawakan niya yung kamay ko.

"Ui,sorry ha.Hindi ko naman wish na iblackmail ka kanina eh.Naiinis lang talaga ako kay G.Nadamay ka lang.Sorry ha."

"Ah,ok lang elsie.Sinabi naman ni G na nag-apologize ka na eh.Basta ba....promise mo na wag mong sasabihin yun kahit kanino ha?Please elsie.Dahil wala naman talaga kaming relasyon ni G.Yung nakunan mo,mali yun wala yun.Maniwala ka sakin."

"Ok sabi mo eh.Basta wag kang magalit sakin ha?"

"Oo ba."

Hay...kahit paano nawala na yung kaba ko na baka lumabas yung isyu na yun.Haaay...

---

Natapos yung office hours namin.Alas otso kasi yung pasok namin then four pm yung labas.At ngayon 4:30 na.Pauwi pa lang ako.Yung ibang mga kasama ko,umuwi na.Si elsie na lang at si G yung nasa loob tapos ako.Pare-pareho kasi kaming nag-iisip ng concept dun sa project namin eh.Bukas yung meeting para official na mapag-usapan yung magiging laman ng magazine namin.At sinabihan kami ni G na mag-isip ng iba't ibang story including dates.

Haaaaay...tama na ang date date na yan!!Uwi na Cris at magpahinga naman!

Inayos ko na yung table ko pati yung bag ko.

"Cris,aalis ka na?"

"Oo,elsie.Ikaw ba?"

"Paalis na rin.Tara sabay na tayo?"

"Sige."

Inayos niya na rin yung gamit niya at nung tumayo siya tinawag niya si G sa office.

"Hoy G,tara na uwi na.Baka nakalimutan mong may bahay ka pang uuwian?!"

"Oo na!"sigaw naman nung nasa loob.

Hindi ko mapigilang hindi matawa.Para silang mag ate eh to think na magpinsan naman sila,nakakatuwa.Napapasunod niya si G.

Lumabas si G sa office niya then napatingin siya sakin.

"Oh,bakit nandito ka pa?Hindi ka pa umuuwi?"

Sasagot na sana ako kaso si elsie yung sumagot.

"Actually,nasa bahay na siya.Kaluluwa na lang yung Cris natin dito."natawa ako sa joke ni elsie kaso G hindi.

"Tumigil ka na nga.Tara na nga."

Lumabas na kami.

Pagdating namin sa may lobby...

"Cris,san bahay mo?"

"Huh?Ah sa isang unit ako nakatira eh."sagot ko.

"Sa FGA State."biglang sabat ni G.

Tss..bakit kailangan niya pang sabihin yun?Kainis talaga.

"FGA?Wow.Eh di sobrang yaman mo pala.Di ba ang FGA ay isang industry company?Puro mayaman at suki ng mayayaman yung nakatira dun di ba?Siguro mahal tumira dun?"

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon