chapter 17

21 1 0
                                        

chapter seventeen

"Trabaho?Trabaho na naman?Hindi ba masyado ka namang pinapagod ng trabaho mo Cris?"reklamo ni Jena sakin.

Nandito kami sa bahay ko.Gabi na.Nagyayaya kasi siya sa labas.Kumain daw kami.Kaso tinanggihan ko kasi nga kailangan kong pag-isipan yung assignment ko.Kaya ayun,pinuntahan niya ko dito at maglalabas daw siya ng sama ng loob.

"Eh di ba ikaw nga yung nagpilit sakin na bumalik sa trabaho?Tapos nagrereklamo ka ngayon na subsob ako sa trabaho?!"

"Eh kasi naman eh.Hindi ka na mayaya sa labas eh."

"Jena...next time promise.Kakain tayo,treat ko pa kung gusto mo."

Nakita ko siyang nagsigh.

Hehe.Wow.Hurt talaga tong babae na to ha?!

"Oh sige...ganito na lang.Kwentuhan mo na lang ako."

"Kwentuhan?Eh ako nga dapat kwentuhan mo kasi kailangan ko ng kwento."

"Eeeeh!Bilis na kasi."

"Ok,ok.Ano ba kasing kwento?"

"Anong update sa inyo ni G?"

"Anong samin ni G?Pwede ba kung mang-aasar ka na naman,wag na please."

"Tss...eh kahit kay G na lang."

Grabe lang no.Ako kaibigan niya,ibang tao yung kinakamusta niya.

"Actually,hindi na G yung pangalan niya.H na.Hahahahahahahahahhhhahahaha."

"Waley!Kwento ka na bilis."

Tss...hindi man lang nagbother kahit man lang ngiti sana sa joke di ba?

"Ayun.Si G.Ganun pa rin.Masungit pa rin pero...hindi naman na masyado.Kinakausap niya ko pero hindi lalagpas yun ng hindi siya nang-iinis.Kanina nga eh.Ang sama talaga ng ugali nun."

Kinuwento ko sa kanya yung nangyari kaninang umaga,as in lahat lahat hanggang dun sa naglunch kami ng sabay sabay.

"Kyaaaaaaah.Kinikilig naman ako friend!!!Go na yan!Ligawan mo na!"

poink*

Binatukan ko siya.

"Bakit ko naman siya liligawan?Saka anong nakakakilig dun?Hellooo??Nakakainis nga ng sobra eh."

Alam niyo ba pinagalitan niya na naman ako kanina bago siya umalis pagkahatid sakin?Ang sabi niya,kapag hindi daw niya ako nakita sa tapat ng building namin ng 7:45 ng umaga,pumasok raw akong mag-isa.

Kita niyo yun????Pwede niya naman sabihin yun in a calmer and generous way like...

"Cris...hihintayin kita bukas ha.Wag ka malelate.Kung hindi....magagalit ako sayo."

Hahahahahahhahahahahahahahahahaha!!Nakakatawa hindi bagay sa masungit na panda na yun!Hahaha!

"Oy,friend..baka sa kasasabi mo diyan kay G na ayaw mo siya...baka naman the more na mahulog ka sa kanya ha!"nginitian ako ni Jena ng super nakakaasar.

"Hindi mangyayari yun ok?Hindi ko siya type.Galit ako sa kanya."

"The more you hate,the more you love."

"Hay.Ewan ko sayo.Saka nagmomove-on pa nga siya di ba???Wag ka ngang mag-isip ng ganyan."

Hay...

Lubdub.

O___O

Heartbeat?Ang weird ng heartbeat ko...

Haysh...ako ata ang magkakahypertension dahil sa panda na yun eh!

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon