chapter 22

14 0 0
                                    

chapter twenty-two

"Diyan ka lang.Kukunin ko lang yung first aid kit sa kotse."

"Okay."

Hay...Yung paglalakad namin na yun parang umabot ng sampung taon.Ang bagal maglakad ni G eh.Kaso nirereklamo naman ni G na ang bigat ko daw.Pero pagdating naman namin dito sa labas,binaba niya ko dito sa isang bench.Infairness,ganda ng view.Open field naman.Kita mo tuloy yung araw.Yung paglubog ng araw to be specific.Hehe.Hapon na kasi.Alas kwatro na ng hapon.Though ,medyo mataas pa naman ng konti yung araw,masarap sanang panoorin yung sunset.

Maya-maya dumating si G.At may dala ngang first aid kit.Yung binili ko pang kit nung nakipagsuntukan siya.Haha.Natatandaan niyo ba yun?Umupo siya sa harap ko.

"Akin na.Patingin."

Tiningnan niya yung sugat ko.Tapos tinanggal niya yung sapatos ko.

"Teka..anong ginagawa mo?"

"Obvious ba?Eh di huhugasan ko yang sugat mo."

"Huh?A-ako na lang."

Inagaw ko sa kanya yung tubig saka ko hinugasan yung sugat ko.Sugat ko to eh.Bakit siya yung maglilinis?Nung nalinisan ko naman,sinauli ko sa kanya yung tubig.

"Lagyan naman natin ng betadine."

"Huh?Wag na ulit.Ako na la-"

"Cristina,"sabi niya in his warning tone.

"Sabi ko nga ikaw na."nasabi ko na lang.

Kapag kasi ganun na yung tono ni G it was either gentle or harsh.Oo ganun yun.Sa unang dampi pa lang ng bulak niya,napa-aray na agad ako.

"Aray G.Dahan-dahan naman!!"

"Sorry.Tiisin mo na.Talagang masakit to sa una."

Ginawa ko yung sinabi niya.Eh medyo mahapdi naman nga talaga.Pero tiis much nga naman ako.

"Parang hindi ka pa nasugatan buong buhay mo ah."napatingin ako kay G na nakangiti.

"Hindi naman.OA ka talaga.Ang tagal ko na kasing hindi nasugatan tapos...nakakahiya kasi ang tanda ko na para magkasugat pa ng ganito."bIgla siyang natawa.

"Eh bakit ka naman mahihiya?You did this for the sake of learning.And dapat matuwa ka kasi nakapagbike ka ng hindi ko nahahawakan."nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya.

"Seryoso???Nakapagbike ba talaga ako?"

"Yup."

"Weh?Hindi nga?"

"Oo nga.Ang kulit naman eh."

"YEEEEEEEEEEEEEEEEEEY!!!"

Grabe kung hindi lang masakit yung tuhod ko,baka nagtatalon na ako sa tuwa.

"Ang saya naman.Promise.Babalik ako dito."

"Babalik ka para sa bike?"

"Oo.Eh nakapagbike na pala ako kahit konti eh.Eh di ipupush ko na!!Hehehehe."

Nginitian niya ako tapos natapos na siya sa pag-asikaso ng sugat ko.Umupo siya sa tabi ko.

"It's all done.Sana gumaling agad."

"Hehe.Salamat G."

Nginitian niya ulit ako.Sana ganito na lang siya palagi.Yung ngumingiti at hindi nagsususungit.Tumingin kami pareho sa sunset.

"Ang ganda."nasabi ko.

Ang ganda naman talaga.Kitang kita mo yung paglubog ng araw.

Kinuha ni G yung camera niya saka tinutok sa napakagandang scene.Syempre ako din hindi ko palalagpasin yun kaya tinitigan ko lang yung beautiful scene na yun.Sa sobrang at ease,hindi ko pa napigilang mapapikit kaso napamulat ako nung tinawag ako ni G.Pagharap ko naman sa kanya,isang hamak na flash ng camera yung sumalubong sakin.Napapikit tuloy ako.

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon