chapter 08

30 0 0
                                    

chapter eight

"So ano?Masama ang loob mo o guilty ka?"

"Pareho."sabi ko kay Jena.

Nandito kami sa bahay.Nagyayaya siya na kumain sa labas kaso hindi ako pwede dahil sa assignment ko kaya pinapunta ko na lang siya dito.At ayun,syempre naglabas ako ng hinanaing :'(

"Hindi ko naman sinasadya yun eh Natakot lang talaga ako na sabihin niya yung nangyari samin.Eh yun pala,alam na nung si Raki at Elsie.Haay."

"Ay ganun,oh anong sabi sayo?"

"Humingi sila ng dispensa sa nangyari on behalf of G daw.Saka sabi ni Elsie aakuin niya daw yung responsibilities kay G.Gusto niya lang daw kasi asarin yung pinsan niya,wala naman daw siyang idea na magkakaganun."

"Oh naman pala eh.Eh di wala ka ng problema."

"Anong wala?!Eh pakiramdam ko nga araw-araw akong magkakaproblema sa opisina hanggang nandun yung sungit na yun eh ."

"Eh anong gusto mong mangyari?Magresign siya para makapagtrabaho ka ng maayos?"

"Huh?Hindi naman sa ganun."

Haaay...nakakainis lang.Talagang wala akong choice sa sungit na yun??

"Hay friend.Masaya ako para sayo kasi nagtratrabaho ka na ulit.Kaya take it easy,baka sa sobrang galit at inis mo dyan kay Mr.Sungit na yan...hindi mo alam...baka iba ang kahinatnan..hahahahaha."

Napakunot ang noo ko sa mga sinabi niya.

"At ano namang kahihinatnan nun?"

"Sabi nga nila..the more you hate,the more you love."

"Oo.Naniniwala ako dyan.The more you hate,the more you love....to kill."

"Hahahaha.Si Cris oh masyadong seryoso.Hahaha."

"Hindi kasi nakakatuwa yung biro mo."

"Hay,sige na.Sorry.Sige aalis na ko.May pupuntahan pa kami ni Kit eh."

"Sige na.Babye."

"Bye "pagkatapos lumabas na siya sa condo ko.

Tsss...buti pa si Jena,nakakapagenjoy kasama ng boyfriend niya kung saan saan.Samantalang ako,nagluluksa kasama nitong mga magazine na to.Haaay...

---

Lumipas ang ilang araw pero kahapon,nakarating ako sa araw ng aking pagpapasa.

"Sir,ito na yung assignment ko."sabi ko kay G pagkapasok ko sa office niya.Pinatong ko sa table niya.

"If it's done,you may leave."sagot niya sakin na hindi man lang ako nagawang tingnan dahil busyng busy siya sa computer niya.

Anyway,lumabas na rin ako.Simula nung nag-away kami naglaylow muna ako sa presence niya.Advice kasi yun ni Raki.Pahupain ko daw muna yung situation.Pati yung buong team pinagsabihan niya na wag masyadong makulit at pasaway dahil lalong mag-aalburuto si Sungit.

Pero ngayon medyo seryoso yung mood namin.May meeting kasi kami tungkol sa pagsali ng The Switch sa MagFest.Nagulat nga ako eh.Pero hindi naman masama na sumali kami dun.Medyo nakakatense lang kasi malalaking magazine talaga yung mga sumasali at nananalo dun.Eh yung Royal nga na pinanggalingan ko,ilang taon ng nagchachampion sa Magfest na yan eh.

"Okay for todays agenda..next week.Officially nang bubuksan at sisimulan ang Magazine Festival for this year.And as tradition,makakasali lang tayo sa festival kung maipapasa natin yung tinatawag nilang Phase I."paliwanag samin ni Raki.

Sa phase one ng festival,dito malalaman yung mga official na makakasali at makakapagparticipate sa contest.Ito yung magsisilbing elimination round.

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon