chapter 21

21 0 0
                                    

chapter twenty one

Hinawakan niya yung kamay ko tapos hinila niya ako palayo.

"Saan mo gustong pumunta?"

Hindi ako sumagot.

Windang ako eh.Hindi ko pa rin maintindihan yung kabog ng dibdib ko.Though,I have conclusions naman.Siguro...naninibago lang ako kasi,alam niyo na.Ang tagal ng panahon nung huli akong nakipagdate.O kaya naman,ang tagal ng panahon may nangyaring ganito sakin with a guy.O kaya naman,hindi lang talaga ako makapaniwala na nangyayari to samin ni G.

Baliw na ata ako eh.Kung ano ng pinag-iiisip ko sa mga nangyayari --___--

Tumigil kami ni G sa harap nung bicycle rental shop.

"Tara,magbike tayo?"

"Ayoko.Hindi ako marunong magbike."

"Problema ba yun?Eh di sumakay ka na lang."pagkasabi niya nun umalis na siya.

Hay...ano kayang nasa isip ni G?

Kahit anong isip ko kung bakit niya to ginagawa,wala akong maisip na kahit na ano.Siguro nga...it's for Switch talaga.Medyo naguilty tuloy ako.Binibigyan ko siya ng hardtime,eh ginagawa niya lang naman yung trabaho niya.Ang baliw ko talaga -_- ang sama pa ng ugali ko :'(

Bumalik si G na may hila-hilang bike.

"Sakay ka na sa likod.Iikutin natin yung lake...pati yung buong park."

Ginawa ko yung sinabi niya ng walang kahit anong reklamo.Natawa pa nga siya eh.

"Bakit bigla kang bumait?"

"Matagal na kong mabait."sungit ko naman sa kanya.

Umupo ako sa likod ni G.Hinigpitan ko yung hawak ko dun sa bear na binigay ni G.Baka mahulog eh.

"Kumapit ka."

Kumapit naman ako sa upuan ko ng mahigpit.Kaso nung inaayos ko pa biglang pinaandar ni G kaya...

"Ay kalabaw!"

Muntik na kong mahulog palikod buti na lang napakapit agad ako sa kanya.

poink*

Hinampas ko siya gamit yung bear.

"Aray,Cris sobra ka na ha!"

"Anong sobra?Ikaw nga diyan eh.Papatayin mo ba ako?Muntik na kong mahulog dun ah!"

"Eh sinabi ko naman sayong kumapit ka di ba?"

"Kumapit naman ako sa upuan ko eh."

"Ano ka ba?Syempre ibig kong sabihin,kumapit ka sakin.Kakapit ka diyan sa upuan mo,bakit pag ba mahuhulog ka kakapitan ka rin niyan?Pag ba nahulog ka tutulungan ka niyang tumayo?Cris,kumapit ka dun sa kaya kang hawakan kapag may nangyari sayo.Tss..hindi ka kasi nag-iisip."

Kinuha niya yung dalawa kong kamay saka nilagay sa bewang niya.Saka nagstart ng pagpepedal.

Lubdub.Lubdub.Lubdub.

Sinubukan kong ienjoy yung view na nakita ko,and hindi naman ako nadissappoint.Maganda.At nalaman ko rin na ang sarap pa lang sumakay sa bike.Hindi naman kasi ako marunong magbike eh.I never had a chance to learn kahit nung bata ako.Busy masyado sa school.

Pagkatapos naming ikutin ng ilang beses yung paligid ng lake,inikot naman namin yung ibang part ng park.Malaki pala talaga yung park.May ilang court tapos,may part na puro benches.Pero yung iba mostly puro puno talaga at garden.

Nagdecide kami ni G na magpahinga naman.Pagod na daw si G na magpedal.Naawa naman ako kaya inalok ko muna siyang kumain.Bumili siya ng ice cream.Strawberry ice cream :)

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon