chapter 26

18 0 0
                                    

chapter twenty six

Ilang araw yung lumipas after nung pagpunta namin dun sa Italian restaurant na yun.Marami ng nangyari.Katulad ng tinanong ko si G tungkol dun sa kalokohan niya nung friday at inaya niya kong magdate.Pero as usual,sinungitan lang ako at wag daw akong assuming.Baka kung ano daw isipin ko dahil sa ginawa niya.Kaya ayun,hindi ko na pinatulan baka lumalala na naman eh.

Isa pa,yung day after ng clothes transformation ko.Hindi ba sinabihan niya ako na baguhin ko na daw yung damit ko?Well,malakas lang talaga yung loob ko kaya hindi ko siya sinunod.Bakit ko naman siya susundin?sa lahat ng tao,siya lang nagsabi na hindi maganda at bagay yung damit sakin.Kaya bakit ko papalitan????Malay niyo dito ako magbloom haha.Pero ayun,dahil pala dun nag-away na naman kami pero nagkabati rin kami nung pauwi na.Ewan ko ba!Ang laki ng issues niya sa mga damit ha!Duh!At ang isa sa pinakamagandang nangyari with those days...natapos na yung magazine namin.And for me,ang ganda ng naging outcome.

Maraming stories yung nakafeature,hindi lang yung pinasa namin ni G.May experiment din sa double dates-yung kina Gio and Hannah,which I heard eh naging super kilig daw for them.Ayun nga oh,madalas naming asarin yung dalawa.Tapos marami pa.Yung main story naman which is yung binigay namin ni G..ayuuun they described as EPIC!!Meaning..grand,gallant and magnificent.Oh ha??Hahahaha.Kasi ang nangyari pala nun.Nainterview ni G si Rex di ba?Ayun,natanong pala ni G si Shane kay Rex..at ayun umamin siya na gusto niya nga si girl.Kaya naisip ni G na swak talaga yung unexpected date nila.Tapos ayun,in the end of their date,nagtapat si Rex....and nalaman niya na matagal na rin pala siyang gusto ni Shane kaya ayun!HooooooH!!!Base dun sa interview na nabasa ko,hindi daw nila ineexpect na magiging ganun daw yung mangyayari.Shane thought that it was me yung kikitain niya sa mall.Samantalang si Rex naman akala niya si G yung kikitain niya kaya 'super shocked' daw sila when they saw each other.Binalak na nga raw nila umuwi,until Rex realizes na it's a chance na to confess kaya ayun niyaya niyang ituloy na.

Haaaaay mga bata nga naman talaga!!Ang sarap maging bagets ulit :'( Sana maging ganun din ka epic yung susunod kong relatiionship ko :'(((

"Ok na.Pwede niyo ng dalahin yan sa Magfest Office!"sabi ni Elsie sa amin saka binigay kay G yung isang box na naglalaman ng twenty copies ng The Switch Magazine MagFest:Volume 2.

Kami kasi yung inutusan nung dalawa eh,si raki at elsie dahil pinagbibintangan nila kami na tumatakas sa trabaho nung monday,nung nagpunta kami sa Italian Restaurant.Nalate kasi kami nun.kaya yun.

"Sige na ilakad niyo na!Good luck satin guys!!"-raki

"Yeeeeeaaaah!"

Nakakatuwa naman ang energy ng The Switch :) Ganyan nga guys!!Go lang!!

Kinuha ko na yung bag ko,ganun din si G saka yung kahon dinala niya mukha ngang nabibigatan siya eh.Tss.alangan namang ako yung magdala nun??Pagkakuha niya,lumabas na kami ng office.

"G,gusto mo tulungan kita?"alok ko sa kanya,kawawa naman kasi eh.

"Ok lang.Madapa ka pa.Sisihin mo pa ako."

Hahaha.Si G talaga masungit na paconcern.

"Akin na lang tong bag mo!"hinawakan ko yung bag niya kaya bigla siyang nahila,muntik na tuloy siyang matumba.He glared at me."Hehe.Sorry.Pero hubarin mo na!Ako na ang magdadala!"

Hindi na siya nagsalita,binaba niya na lang yung box na dala niya tapos hinubad niya yung body bag niya at inabot sakin.Pagkatapos,lumakad na uli siya.Hehehe.Ang bait ni G ngayon sa akin.Nakakatuwa.

Sinabit ko sa kabilang balikat ko yung bag niya.Halos pareho lang naman yung body bag namin eh.Magsinglaki lang pero black yung sa kanya at yung sakin naman kulay brown.At syempre pangbabae yung akin.Sa kanya plain square lang.Ok ang dami ko ng sinabi eh bag lang naman ni G yung kinukwento ko >:)

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon