chapter seven
Today,ginawa ko talagang maganda yung gising ko dahil bukod sa sarili kong bahay ako natulog kagabi,start din ng work ko ngayon.
Medyo worried ako,actually.Kasi alam niyo naman,mainit dugo ng boss ko sakin.Eh ang liit ba naman kasi ng mundo.Ang daming pwedeng taong makasalubong paulit-ulit,siya pa talaga.Tsk tsk.
"Oh,Cristina.Mag-ingat ka.Tumawag ka rin kapag may oras ka at dalas dalasan mo naman yung pagdalaw sa bahay."sabi ni kuya Ton sakin.Hinatid niya kasi ako sa trabaho.
"Oo kuya.Ingat rin kayo sa bahay.Babye."
"Bye."kiniss ko lang siya sa pisngi at bumaba na ko.
At pumasok na ko sa building namin.Kaso napatakbo ako ng di oras nung nakita kong pasara na yung elevator.Kaya nagbuwis buhay talaga ako sa pagtakbo at paghabol makapasok sa loob.
Oh nooooooooooooooooooo-yes!
"HAHAHAHAHAHAHAHAHA!Ang galing ko.Hahahahahahahaha.Akalain mong naabutan ko yung elevat-"napatigil ako sa pagcecelebrate nung mapatingin ako sa kaisa-isa kong kasakay sa elevator.Pero wish ko sana hindi ko na lang hinabol yung elevator."Good morning sir."
Ang malas ko.Si G yung kasakay ko at as usual he's wearing his usual frowning face ever.
Ang sarap batukan.Bleh ;P
Hindi niya sinagot yung bati ko sa kanya,para ngang wala siyang narinig eh.Tsk eh di wag.Sungit!
Nakita kong nalaglag yung panyo niya sa lapag kaya pinulot ko.
"Uy,panyo mo."inabot ko sa kanya kaso kainis yung reaksyon niya.Yung para bang gusto nyang sabihin na 'bakit mo hinahawakan ang panyo ko?' tapos pahablot pang kinuha.
Grabe.Ang attitude!!!!!!Pero kahit ganoon siya,nginitian ko pa rin sabay sabing...
"Hindi ko sisirain ang araw ko dahil lang sa kasungitan mo.Ang panget mo!Madapa ka sana.Wahahaha."
Pero syempre joke lang.Hindi ko kayang gawin yun.Baka mamaya,ifired ako bigla hehe.
Nakarating kami sa 28th floor para sa office namin.Pinauna ko na siyang lumabas.
Haysh...Mukhang mahihirapan ako sa isang to.
Pagkapasok ko sa opisina,nakakatuwa kasi binati agad ako nung mga katrabaho ko,si Raki at si...yung babae.
"Good morning G and Cris."
"Good morning Cris,welcome."
"Salamat."all smile kong bati din.
"Raki,get me the report tungkol sa latest updates dun sa interview natin."yun lang yung sinabi ni G tapos pumasok na siya sa opisina niya.
Napailing naman yung dalawa kong kaharap.
"Cris,pagpasensyahan mo na yung taong yun.Nakakalaklak na naman ng kasungitan eh Hehe."
Natawa naman ako sa sinabi ni Raki.
"Anyway,this is Elsie"tinuro niya yung bumati sakin kanina."Siya ang associate editor.Ako ang managing and si G yung EIC."
"Nice to meet you."inalok ko siya ng handshake and she accept it smiling.
"Nice to meet you rin Cris.Ako si Elsie.Pinsan ako ni G."
"Ah,talaga?" hindi halata
"Yep.Pagpasensyahan mo na yung pinsan kong yun ha.Alam ko naman na hindi naging maganda yung una niyong pagkikita pero I believe it's a good start.Hahahaha."sabi niya sabay tapik tapik nung balikat ko.

BINABASA MO ANG
Till I Found You
RomanceLove was not about him loving you back but you loving him unconditionally even with no return. ••• disclaimer: photo cover was not mine. I've always been a fan of wallcoo for their arts :D -Rei