chapter 32

31 2 1
                                    

chapter thirty two

"SELOS!!SELOS!Selos ka!Aminin mo na kasi.SEEEEEEELOS!!!!"

Napailing ako ng malakas para tanggalin yung boses ni Jena na paulit ulit sa tenga at utak ko.

Haysh,nakakainis yung kaibigan kong yun.Pinipilit niyang sabihin ko na nagseselos ako dahil sa nangyari kagabi.

"Sus!Tatanggi ka pa!Hay naku,tatanggi ka ngayon,pero pustahan tayo,pag nakita mong magkasama yung dalawa...ewan ko na lang kung hindi ka tamaan."

Well,hindi naman ako nagselos.Hindi talaga.Promise!Medyo nainis lang.Hindi selos.Magkaiba yun ah.

Ang alam ko kasi sa selos,yun yung pakiramdam na tipong gusto mo ng manabunot ng babae.Yung tipong gusto mong kaladkarin pati yung lalaki dahil sa galit.Hindi ba ganun yun?Eh ang nararamdaman ko lang naman,inis eh.Sa sobrang inis gusto ko nang kalbuhin si G.Hehehehe.Joke lang.

peepeep*

Nakita ko nang parating yung sasakyan ni G kaya nagready na ako.Nung tumigil syempre,sumakay na ako.Yun nga lang pagsakay ko,nasilaw ako.

Nasilaw ako sa ngiti ni G.

"Morning,"bati niya sakin habang nakangiti ng...well ang gwapo niya -_-!

"Good morning."

"Kamusta tulog mo?"

Nagulat naman ako sa tanong niya.Sa lahat ng panahon na nagkikita kami twing umaga,ngayon lang niya natanong kung kamusta yung tulog ko.

"Hindi ako masyadong nakatulog.Nasa bahay kasi si Jena kagabi."

"Aaah..."yun lang yung sinabi niya pero hindi pa rin nawawala yung mga ngiti niya.

Ini-start niya na yung kotse and bumiyahe na kami.Yun nga lang nakakapagtaka lang talaga.Good mood talaga si G.Bukod sa hindi nawawala yung smiling face niya,naghuhum rin siya ng song habang nagd-drive.

Tsss...anong nangyari dito?Hindi kaya...

"Uhm...G?"

"Hm?"nilingon niya ko saglit pero binalik niya rin sa daan,nagd-drive nga kasi siya.

"Uhm...ikaw kamusta tulog mo?!Nabagok ka ba?Naumpog?Or baka natama yung ulo mo kung saan?"worried kong sabi sa kanya pero natawa lang siya.

"What?Hahaha.Ano bang sinasabi mo Cristina?Ikaw ata naumpog diyan eh.Ang aga aga,wala ka na naman sa sarili mo"

"Ang weird mo kasi...bakit ka nakangiti?May maganda bang nangyari?"

Napakunot yung noo niya sa tanong ko.

"Maganda???Uhm...."nag-isip siya saglit."Hindi ba pwedeng ngumiti kahit walang particular reason?"

"Hindi naman,yun nga lang pagdating sayo medyo weird yun.So ano nga?Bakit ka masaya?"

"Uhm...kasi...nakapasok tayo sa Magfest."

Masaya rin ako sa sinabi niya pero ewan ko ba...parang hindi naman yun yung dahilan niya kaya tiningnan ko siya ng hindi-ako-naniniwala look.And dahil nga weird si G today,tinawanan niya ako ng tinawanan.

"Oo na.Hindi yun yung dahilan.May iba pa..."sabi niya pagkatapos niyang pagkatuwaan yung itsura ko.

"Anong dahilan?"

"Eh kasi..."

Naghintay ako ng sasabihin niya...naghihintay ako ng magandang dahilan na sasabihin niya...pero....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon