chapter one

66 4 0
                                    

chapter one

"Cris!!!!Gising na!Criiiiiiiiis!!!!!!!"

(--_____--) Aray ang sakit sa tenga.

"CRISTINA??!!!Ano ba??Kelan ka ba babangon diyan?"

Hinila niya ko patayo.

"Aray Jena!Ang sakit naman nun.Bakit ka ba nanghihila?"

"Pwede ba bumangon ka na?Nag-aalala na ko sayo,promise!"

"Bakit ka naman nag-aalala?Wala kang dapat ipag-alala,okay?Sige na..inaantok pa ako.Gusto ko pang matulog."

Humiga na ulit ako.Hindi niya na ko pinigilan pero sinermunan niya naman ako.

"Cristina naman eh!Cris!!!!Ano ka ba naman?Wala ka ba talagang ibang balak gawin kundi ang matulog?Two months ka ng hindi nagtratrabaho.Wala ka pa rin bang naiisip gawin?"

Hay paano ako makakatulog kung ganito siya kaingay?

"Cris,hindi mo ako pwedeng balewalain.Bestfriend mo ako,baka nakakalimutan mo?Ako yung laging dumadamay sayo kapag may problema ka.Ako yung sinasandalan mo kapag nahihirapan ka.."lumapit siya sa akin at niyugyog yung balikat ko."Cris!!!"

"Ano ka ba?Ang aga mong magdrama.."

"Cris..kinausap na ko ng Daddy mo," napabangon ako sa narinig ko.

"Huh?Ni daddy?Anong sabi?"

"Kung ganito ka pa rin daw,umuwi ka na lang sa bahay niyo.Bibigyan ka daw niya ng trabaho sa company niyo.Pipilitin ka daw niya umuwi."

"HUH?Bakit niya ko pauuwiin?"

"Eh kasi nga wala ka namang ginagawa.Maghapon ka lang natutulog.Hindi kita maintindihan,ang ganda naman ng trabaho mo.Associate Editor ka ng pinakasikat na magazine!!!!!! Pero nagresign ka sa trabaho."

"Ano ba kayo?Nagresign ako kasi gusto kong magpahinga." Alin ba ang mahirap intindihin dun?

"Haysh..ewan ko sayo.Sayang yung trabaho.Ang laki pa naman ng sweldo mo dun.Pero wala ka namang dapat ipag-alala.As usual,ang dami mo na namang mail na nag aalok sayo ng trabaho," may kinuha siya sa mesa. "Oh. Invitation para magtrabaho ka sa kanila. Reality Magazine at kung anu ano pa. And infairness naman,lahat big time ha.Ayan mamimili ka na lang."

Humiga ulit ako sa kama.

"Cris..pag-isipan mo.Magtratrabaho ka na ulit at bumalik ka sa tamang katinuan o umuwi ka sa bahay niyo. "pagkasabi niya umalis na siya.

Haysh..anong tamang katinuan??Tingin niya sakin baliw???Saka bakit ba hindi nila maintindihan yung gusto kong mangyari.Nagresign ako kasi nga gusto kong magpahinga.Imagine,buong eight years ko nagtratrabaho ako?Well,masaya naman at maganda yung trabaho ko,mahal ko nga yun eh.Yun nga lang,ewan ko ba.Siguro normal lang talaga yun sa tao.Yung maghanap ng pahinga sa hindi mo malaman na dahilan.Hay...

Pero...argh!Tsk.Pinapauwi na ko samin ng daddy ko.Sigurado kukulitin na naman ako nun.

Naglayas kasi ako samin,well matagal na.Nineteen pa lang ako nun,naisip ko na talagang magsolo.Naglayas ako sa bahay namin dahil sa isang dahilan...NASASAKAL AKO SA KANILA.Sa Daddy ko na overprotective.Sa kambal kong mga kuya na super over protective.At sa bunso kong kapatid na oa sa pagkaprotective.Can you imagine that?Puro lalaki yung kasama ko sa bahay??Tapos si Mama naman,ganun din.Sabihin niyo sinong hindi maglalayas sa ganung sitwasyon.Kaya simula nung nineteen ako,nabuhay na talaga ako ng solo.Tapos ngayon??Pinauuwi na naman nila ako!!!,Ayoko nga.Matanda na ako pero kung ituring nila ako para pa ring bata.Tssssss...mas gugustuhin kong magtrabaho na lang ulit kesa umuwi. (--________--)

Till I Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon