Chapter 25

1.3K 45 0
                                    

Chapter 25

HINDI makatulog ng maayos si Gianna dahil hindi mawala sa isip niya ang nangyari kanina, lalo na kay Ezequiel.

"Ano ba kasing problema Ng lalaking yun?! Ang gulo niya, di ko siya maintindihan!"

Nagpagulong-gulong lang siya sa kama niya, nang biglang tumunog ang cellphone niya. Umayos siya ng upo and pick up the phone on top of her side table.

Nangunot naman ang noo niya nang mabasa niya ang caller ID.

Ano na naman kaya ang kailangan nito? — she thought.

"Kailangan mo?" Bungad niya nang sagutin niya ito.

"Hello? Kayo po ba si Miss Monroe?" Agad namang nailayo ni Gianna ang cellphone niya at napatitig sa caller ID.

"Oo, ako nga? Sino po ito? Bakit hawak mo ang cellphone ni Ezequiel?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Nasa Briecher Bar and Lounge ngayon ang boyfriend niyo ma'am. Lasing na lasing po kasi siya, at pasensya na po talaga kung naabala kita, ikaw kasi ang bukambibig niya simula pa kanina." Anito, di naman agad namaimik si Gianna hindi dahil sa naglalasing ito kundi sa word na BOYFRIEND.

Boyfriend?

Napabalik lang siya sa katinuan nang magsalita ulit ito.

"Pwede niyo po ba siyang puntahan ngayon?" Tanong nito sa kanya, hindi niya maintidihan ang sarili nang pumayag ito.

Napahiga na lang siya ulit sa kama niya.

"What are you thinking Gia? Ba't ka pumayag? Ano naman ngayon kung lasing siya?"

Maybe because, you're concerned about him? — her thought said

"Bakit naman ako magkaroon ng concern sa kanya? Eh, he is the most heartless man I've ever known!" Nakatingin lang siya sa kisame habang kinakausap niya ang kanyang sarili.

Eh? Heartless nga ba? Or you just can't accept to yourself that you're still in love to your childhood sweetheart na hanggang ngayon di ka maalala?

She sigh in defiance, maybe her thought was right all along, she just can accept na hanggang ngayon, may feelings pa rin siya taong hinahangaan niya noon. Ang taong hinintay niya ng ilang taon. Akala niya, her feelings for him will disappear pero nung nagkita sila ulit, she know to herself na mayroon pa rin siyang puwang sa puso niya.

Bigla na lang siya nakaramdam ng lungkot knowing na yung lalaking minahal na niya, at hindi siya maalala.

"Kailan mo kaya ako maalala Joaquin?" Napangiti na lang siya ng mapakla at wala sa sariling pumasok sa banyo.

ILANG oras ang lumipas ay dumating na siya sa nasabing bar. Napatakip na lang siya sa kanyang ilong dahil sa halo-halong amoy sa paligid. Buti na lang at nahagilap niya agad ito, nasa may sulok ito ng bar at may hawak na bote. Sa tabi nito ay may dalawang lalaking pumipigil sa kanya.

"Ahno bha! Ghusto kho pha uhminohm!" Sigaw ni Ezequiel, halata talaga sa boses niya na lasing na ito

"Buddy your drunk already, that's enough." Dwight said as he try to get the bottle on Ezequiel's hand.

"Hindhi akho lhashing!"

My Possessive Boss Series#1: (Ezequiel Joaquin Carrodeguas) [COMPLETED ✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon