Chapter 4

18 5 0
                                    


Papunta na kami sa rest house ni lola, mag iisang taon na din simula nung pumunta ako dito.

"Buti dikapa natutulog excited ka ba ha?" tumango tango ito. "ikaw nalang mag drive dito ako naman matutulog."

"Osige, stop mom una don ako na mag da drive alam ko naman na puyat ka dahil late na natulog kagabe."

"Paano ikaw kasi pinuyat moko kaya ayan tuloy" tinignan ako ng masama nito pero nginitian ko lang siya.

Sabi ko ako nalang mag da drive at matulog nalang siya, malayo layo din ang byahe kaya kailangan niya matulog. Buti nalang at bumili ako ng maraming kape para di ako antukin.

Hindi ko akalain na makilala ko ang isang katulad mo, sobrang bless ko kasi binigay ka sakin ni Lord. Swerte ko nalang kahit medyo kampon ni satanas ang ugali ko binigyan parin ako ni Lord ng isang katulad mo.

Isang taon na akong hindi nakakabisita sa rest house ni lola, mas gusto niya raw dito kasi tahimik at maganda ang simoy ng hangin.

"Goodmorning love" sabi nito sabay niyakap ako "saan na tayo love? Malapit naba tayo"

Tumango ako at uminom ako ng kape, naka apat na bote na ata ako ng kape dahil baka makatulog ako sa sobrang puyat dahil late na kami nakatulog kagabi.

Nandito na kami sa tapat ng rest house ni lola at excited na bumaba itong babaeng ito at ako naman ay pinark ko muna ang kotse.

''Hi momm la, kamusta na? Hindi naba ako ang favorite apo mo?" bati ko rito sabay halik sa pisngi niya.

"Syempre ikaw parin naman baby girl ko no, tara pasok na tayo sa loob maiinit dito sa labas."

Hay lola talaga, sabi ni lola dalhin ko daw yung taong mamahalin ko dito sa rest house niya yung taong yon yun na daw yung sgurado kong mamahalin habang buhay. At ikaw yon Andrea Kim.

"Ang dami po atang nabago sa rest house lola? Isang taon na po kasi nung huli po ako nakapunta dito" sabi ni Andeng. "Oo may mga pinabago ako pero yung iba pinaayos ko lang wala akong pinalitan"

Nag tingin tingin ako sa loob, nandon yung family pictures naming and yung mga picture ko nung bata pa ako. Ang ganda gwapo ko talaga kahit nung bata pa ako.

"Mommy la, akyat po muna ako dun sa kwarto matutulog po muna ako, Love dyan ka muna ha gisingin mo nalang ako pag kakain na."

Hapon na at hindi man lang ako nakakain ng lunch sabi ko gisingin ako para kumain e. Pero pag kababa ko wala akong kasama sa bahay

"Ya, saan po sila lola?"

"Lumabas po sila maam." Tumango nalang ako dito, at tinawagan sila nasa may pool daw sila.

"Hoy Andrea Denise Kim! Sabi ko gisingin moko e bat dimoko ginising?"

"Sarap kasi ng tulog mo e, lika dito Manoban picturan kita dali ang ganda ng sunset oh" umiling iling ako "ano tawag mo muna saakin?"

"Napaka baby, lika na dito picturan na kita" nag picture picture muna kami at nag yaya si mommy la na mag punta daw kami sa may palengke bibili ng mga pagkain at mag ihihaw daw.

"Buti at naisipan niyong umuwi? Hindi ba kayo busy sa school niyo?" tanong ni lola "Hindi po la, nag ka event po kasi sa school and sabi po mag break muna kami ng 3 days kaya naiisipan po ng pangit niyong apo na mag bakasyon po muna dito kahit ilang araw lang."

Katapos naming mag dinner ay nag paalam na si lol ana mag papahinga na ganon kasi talaga pag matanda na madali ng mapagod

Niyaya ko naman si Andrea na lumabas muna kami at mamasyal dahil may magandang puntahan dito pag gabi.

Pumunta kami sa may Plaza dahil balita ko may mga party party kasi dito pag gabi atska maraming bilihin gusto kong enjoy naming yung bakasyon naming dito kahit ilang araw lang.

"Gusto ko mag enjoy ka, wag mom una isipin yung mga school work or school projects enjoy muna natin yung bakasyon natin dito ha"

"The best ka talaga Chelsey Keith Manoban." Hinalikan ako nito sa pisngi "syempre mamaya ha sound proof naman yung mga kwarto sa rest house." Kinurot ako nito sa tagiliran.

"Kung ano ano sinasabi mo, tara na bili moko ng ganon."

"Hoy sleeping beauty, gising kana may pupuntahan pa tayo sgurado ako magugustuhan mo to kaya tara na bangon kana dyan at mag hilamos kana kasi aalis pa tayo."

Maaga ako gumising para mag handa pupuntahan kasi naming yung beach na palagi naming pinupuntahan ni lola non simula nung bata pa ako. At masasabi kog talagang magugustuhan niya yon dahil mahilig siya sa tubig.

Nag breakfast muna kami at nag paalam na kay lola para umalis, ilang minute din ang byahe bago kami nakarating sa beach at itong kasama ko ay napakasaya dahil nakakita na naman siya ng tubig.

"Ang ganda dito, pano mo nalaman ang lugar na to?"

"Bata palang ako nag pupunta na kami dito. Si lola nag sabi ng lugar na to medyo marami na ang nabago pero maganda parin parang yung katabi ko ngayon" ngumiti ako dito at pinag masdan ang mga alon na ng gagaling sa dagat.

Naalala ko nung bata ako sabi ko gusto ko mag pakasal sa may beach at dito ang tamang lugar para pakasalan ka.

Kinuhanan ko ito ng litrato sa camera ko, kita sa mga mata mo kung gaano ka kasaya. Magiging ganito ka parin kaya ang mga mata mop ag nalaman mong aalis na ang taong pinakamamahal mo?

"Andrea Denise Kim." Pagtatawag ko rito.

"Hmm"

"Mahal kita." Niyakap ko ito mula sa likod mahal na mahal kita, sana pag umalis ako maging masaya ka parin kahit wala na ako.

Wag ka iiyak mahal ha pag umalis ako, gusto ko masaya ka lang katulad ngayon.

Hinarap ko ito sa akin, at hinalikan sa noo.

"Mahal na mahal kita" sabi ko habang nakatitig sa mga mata mo.

"Mahal na mahal din kita Kei" at hinalikan ako nito.

Sa pag lubog ng araw, sisikat ang panibagong umaga. Sabay natin nasaksihan ang paglubog ng araw habang ang ating mga labi at magkalapat sa isat isa.

Hanggang sa muli mahal...

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon