Dalawang araw kami dito sa Bataan, pag uwi namin pahinga lang ng isang araw back to work na ulit. Nakita ko si Andrea na nasa labas nag iisa
"Huy! Ano ginagawa mo diyan bakit mag isa ka lang?" lumingon ito saakin, malungkot ang mga mata nito.
"Naalala ko lang yung mga memories natin dito, sana kung tayo pa magagawa pa natin mga yon." Malungkot na sabi nito.
"Pwede naman natin gawin yon kahit wala na tayo. Gawin natin bilang magkaibigan..." dahil dun naman tayo nag umpisa.
Ang saya natin, kahit hindi na tayo tulad ng dati sa loob ng pitong taon ngayon nalang ako naging masaya. Dahil kasama kita...
"Alam mo mas maganda ka pag naka smile."
"Maganda naman talaga ako kahit anong expression gawin ko e." sabi ko rito.
Umuwi na kami dahil oras na rin at panigurado hinahanap na kami ni tita. Ang saya ng araw na ito sana hindi na matapos ang araw na to
"Ma'am pa sign po." Sabi ng secretary ko, buong week ang daming ginagawa nakakalimutan ko na atang kumain sa sobrang dami ng gagawin ko.
"Kei, tara kain tayo! Dika na naman kakain niya kasama natin sila Jisoo." Pag yaya sakin ni Andrea
Hindi na sana ako sasama pero bago pako nakatangi hinila na ako nito.
"Pag kami nagyaya sayo tumatangi ka pero pag si Andrea naman go lang ng go" reklamo ni Jisoo.
"Kasi alam ko mag papalibre lang kayo, benta niyo na mga sasakyan niyo may pabili ng sasakyan pero walang pangkain ayus din kayo e no." reklamo ko sa mga ito.
"Si Andrea daw manlilibre, binulungan niya ako pag daw sumama si CEO Manoban manlilibre daw siya." Masayang sabi ni Jisoo.
"Mukha kayong libre, tagal na natin mag kakaibigan pero ni isa sainyo wala pa akong nakitang manlibre. Benta niyo na mga sasakyan niyo kuripot niyo!"
Nandito na kami sa may restaurant alam ko lahat ng ito pinlano ng dalawa. "Order na kayo marami pa akong ginagawa."
"Kj naman Architect! Kakapunta palang natin aalis na agad dimo ba miss si Andeng?" pang aasar ni Jisoo.
"Oo nga dimo ba ako miss Architect?"
"Araw araw tayong nag kikita sa office wag ka."
Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa office dahil marami pa kaming ginagawa lalo na ako ang daming papers na kailangan gawin. Sunod sunod na meeting parang gusto ko nalang mag resign.
"Kumain kana ba anak?" tanong ni manang. "Busog pa po ako, sa sobrang dami ng papers na tinapos ko busog na busog na po ako." Pagod na sabi ko.
"Kumain ka anak, magkakasakit ka sa hindi mo pagkain niyan" tumango nalang ako at umakayat na sa kwarto ko.
"Nakakapagod to, buti naman sa London chill chill lang ako." Minsan iniisip ko kung bakit ba ako bumalik ng Pilipinas para ibigay ang sagot na matagal ko ng ipinagkait sakaniya?
Lagi naman kami nag kikita araw araw pero bakit hindi niya ako tinatanong? Dahil ba matagal na yon at nakapag move on na siya? Hindi ko mapigilan mag overthink sa mga "what if's"
Matutulog na sana ako ng makita ko ang sulat ni lola.
To: My favorite Apo
Anak, nakita ko yung flash drive mo hindi ko alam pakealaman ito kaya nag paturo ako kay Tita ba mo. Yan ba yung dream house mo? Ang ganda talagang bagay na bagay ka para sa field ng Architecture.
Binilhan kita ng lupa kaso hindi ko muna sasabihin sayo yon! Dahil alam ko naman na lahat aalis ka para mag aral sa London. Iiwan mo si Andrea? Pero naiintindihan ko naman yon apo na kailangan mong mag aral pero wag mo siya hiwalayan ha... kasi alam ko kung gaano ka kasaya pag kasama mo yung taong mahal na mahal mo...
Maiintindihan niya naman yon at hihintayin ka niya, nag promise saakin si Andrea na hinding hindi ka niya iiwan. Apo! Sana kung nabubuhay pa ako sa mga panahon na yon gusto ko makita kayong dalawa na tinutupad ang mga pangarap niyo... gusto ko maging masaya ang pinaka mamahal kong apo.
Ipatayo mo ang bahay niyo ang dream house mo sa lupa na ibinigay ko sayo. Diba dream house mo yon para sainyo ni Andrea, alam ko mula bata ka hangga ngayon lumalaki kana kung gaano mo siya kamahal... pero hindi ka niya kilala dahil napaka torpe ng apo ko e! Masaya ako dahil kayo ang nag katuluyan. Wag mong tapusin ha, wag mo tapusin ang relasyon niyo dahil lang sa maliit na bagay... alam ko din ang ginagawa mo lahat ng yan para kay Andrea.
Mahal na mahal kita apo, nag papasalamat ako kay dahil na tagpuhan mo na ang babaeng matagal mo ng pinapangarap. Maging masaya ka apo... mahal na mahal ka ni Lola.
From,
Maganda mong lola...
Habang binabasa ko ang sulat ni lola saakin hindi ko mapigilan umiyak... dahil kung anong sinabi niya ay kabaligtaran ng lahat! Patawad po La, tinapos ko ang saamin matagal na panahon na... bumalik ako akala ko may babalikan pa ako, patawad la. Dahil ikakasal na ang taong mahal ko sa lalaking mamahalin niya habang buhay...
Patawad... dahil na huli ako, patawad kung hindi ako bumalik ng mas maaga...
"Hoy tara gala naman tayo! Ang dalang ko nalang mag yaya kaya sama na kayo."
"Saan tayo? Sa bar minsan nalang tayo iinom na tayong tatlo oh." Ito talagang si Seulgi mukhang alak.
"Hindi, mukha kang alak. Punta tayong bora! Ako na mag babayad sa hotel mga hampaslupa kayo"
"Kelan ba yan sugar mommy? Namiss ka talaga namin wag kana babalik ng London kasi pag si Seulgi lang kasama ko wala naman akong napapala kuri kuripot lang nito"
Kailangan ko ng bakasyon kaya sinama ko ang mga alaga ko, ang tagal na din nung nag Batanes kami sobrang tagal na... at kasama namin mga jowa namin nun nung panahon na may jowa pa ako.
"Nag paalam nako kay chairman pumayag naman." Sabi ko. "Kung matatangalan kami ng trabaho sabihin naming kasalanan ng CEO kasi sinama kami dito nag ta trabaho kami ng maayos." Sabi ni Seulgi
"Plastic! Kalamo totoo e nag cod ka lang naman oras ng trabaho." Sabi ko rito.
Mag katabi kami ni Seulgi sa upuan si Jisoo nahiwalay saamin hindi kaya mag susuka tong katabi ko bakit sa lahat ng pwede makatabi ito pa.
"Seul, parang awa mon a wag kang susuka saakin kung hindi itatapon kita mula dito sa taas."
Ang tagal na nung nag bonding kami ng ganito, ang dami ng trbaho kaya kailangan ko muna mag pahinga ayoko naman mabaliw ako dahil sa trabaho kaya susulitin ko na ang Boracay trip namin para makapag unwind na rin.
BINABASA MO ANG
Paubaya
Fanfiction"pwedeng mag aral ka naman dito diba bakit sa abroad pa?" "iiwan mo nako? akala ko ba mahal moko? bakit moko iiwan?" Chelsey Keith came home, para ipag laban ang taong mahal niya. Ngunit sa kanyang pag babalik ang taong pinapangarap niya ay ikakasal...