Chapter 1

66 5 0
                                    


Late nanaman ako nito, naku patay kang bata ka. Ang traffic naman kasi Monday na Monday.

"Hoy hampaslupa, late kana naman buti di ka naabutan ni bruhilda" sabi ni Jisoo. "saan ba si maam? Nag check naba siya ng attendance?" tanong ko rito.

"Buti nga hindi pa siya nag checheck e, malakas ka talaga kay satanas. At umalis siya pinatawag ni sir kevs. Buti nalang kung hindi yari kana naman sakanya." Singit naman ni Seulgi.

Minsan napapaisip nalang ako bat ako kasali sa Dean's Lister eh sobrang tamad kong tao. Minsan napapaisip na din ang mga kaibigan ko kung binabayaran ko ba yung mga prof ko para lang bigyan ako ng mataas na grades.

"Sa tamabayan?" tanong ni Jisoo. "Pass, mag breakfast kami ni Andrea mauna nako mga walang jowa!"

"Magbreak sana kayo" habol ni Seulgi.

Pumunta ako sa building nila Andrea para sabay kami mag breakfast, sa pagmamadali ko kanina pumasok hindi nako nakapag breakfast.

"Kanina kapa ba dyan love?" tanong nito, saka hinalikan ako sa pisngi. "Hindi naman halos kadarating ko lang, saan tayo kakain? Gutom na gutom na jowa mo."

"Bakit? Late kana naman no? sabi ko kasi sayo na matulog ng maaga pero napaka kulit mo ayan tuloy late kana naman pumasok"

"Ikaw kasi e, pinuyat moko kagabe ayan tuloy late nako nagising sabi ko naman sayong may pasok sa weekends nalang kaso masyado mokong miss kaya ayan." Kinurot ako nito "tara na nga, dun sa lagi nating pinupuntahan kung anoa no kabalastugang sinasabi mo dyan.

We've been dating since high school, and the first time I saw her I know to myself that she's the one.

We are here in our favorite tapsilogan, kahit anong yaman ng babaeng ito mas pipiliin niya parin kumain sa mga ganito kesa sa mga karinderya kesa sa mga mamahalin na restaurant.

''Aling lucing, dalawa pong tapsilog atska isang sisig" order ko "gutom na gutom ha, dika kasi kumakain e kaya ayan"

"Ayaw mo kasi magpakain e kaya tuloy nagugutom jowa mo." Kinindatan ko ito, at pulang pula sa sinabi ko. "manahimik ka nga daming tao kung ano ano sinasabi mo dyan."

Dumating na ang order naming at nagsimula ng kumain, ng matapos kami napagisipan na naming pumasok dahil may klase pa kaming susunod.

Hindi kami mag kaklase, business management student siya at ako naman ay architect student kaya minsan hindi magkaparehas ang schedule naming.

"Ano oras uwi mo mamaya love? Hintayin n akita sa condo din naman ako uuwi e"

"Hmm, 4pm baka may gagawin kapa pwede ka naman mauna na ok lang ako mag papasundo nalang ako kay kuya manong" sabi nito "hindi ok lang tapos na din naman mga plates ko, atska baka busy si kuya manong hatid na kita sa condo mo, pero dinner muna tayo ha"

Tumango ito at nagpaalam na kami sa isat isa para sa mga susunod pa naming mga subjects.

"Tol, reto mo nga ako dun sa kaibigan ni Andrea si ano ba yon ano si Irene alam mo naman crush na crush ko yon" pag pipilit sakin ni Seulgi. "Yoko nga alam kong babaero ka sasaktan mo lang si Irene naubusan kanaba ng babae kay si Irene na tinitira mo?"

"Gagu, nag babagong buhay nako no. Nakikita ko na siya ang bubuo sa puso kong sawi."

"Sa lahat ng babaero ikaw ang sawi no!" singit naman ni Jisoo.

"Jisoo, balita ko may gusto sayo yung Rosie." Sabi ko rito "oo nga buti kapa crush ka ng crush mo, kaso torpe ka lang bagal mo maunahan kapa nung hotdog!" singit naman ni Seulgi.

4 na ng hapon at lumabas na sila Andrea, sinalubong ako nito at hinalikan sa pisngi "Landi, paalala wala kaming jowa." Singit nila Irene at Rosie. "Reto ko sainyo mga kaibigan ko para may jowa na kayo"

"Torpe naman ng kaibigan mo e" Sabi ni Rose "ikaw na kasi manligaw pag nakakita ng babae yon nag gagay panic diba love." Sumang ayon naman ito at nag yaya na para kumain.

"Pagod kana love? Tulog ka muna habang papunta tayo sa restaurant" umiling ito at hinalikan ako sa pisngi "clingy naman, tignan mo maya maya tulog kana nyan." Pag kasabi ko rito, ay sinuot ko ang seatbelt niya! Hay kahit kalian talaga nakakalimutan nitong mag seatbelt.

Mag iisang oras din ang byahe dahil rush hour, ang kasama kong hindi matutulog ay ang sarap ng tulog.

Ang ganda mo love, ang swerte ko dahil ikaw ang taong mahal ko at mamahalin pa pang habang buhay. "love, wakey wakey na! Nandito na tayo" hinalikan ko ito sa noo.

"Nakatulog bako love?" tanong nito, sabay unat unat pa. "Oo naman po. Sobrang pagod ba sa school? Tara na at ng makakain na tayo at makauwi para makapag pahinga kana."

"Thank you! Sa pag hatid love, ingat ka" nagpaalam nako rito para makapag pahinga na siya at makagawa na rin ng mga school activities.

"Goodnight mahal." 

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon