Chapter 16

10 1 0
                                    


"Inom lang kayo diyan, order pa kayo pag gusto niyo."

"Ikaw bakit dika umiinom? Ikaw nagaaya tapos dika umiinom! Kanina pa yan ha." Sabi ni Jisoo, magkatabi kami ngayon ni Jisoo tapos sa side ko naman si Andrea. Dahil kay Seulgi kaya naging katabi ko siya.

"Andrea, alam mo ba yang kaibigan namin laging sawi yan. Tapos ichcat niya kami sasabihin ni-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Seulgi ng sinubuan ko siya ng lemon.

"Uwi mo na yan Rene, lasing na sigurado masakit ulo niyan bukas." Sabi ko nalang, tangina mo Seulgi kahit kalian ka talaga.

Lumabas muna ako para mag pahangin masyado kasing maiinit sa loob, parang na ho hot seat ako.

"Bat mag isa ka lang." may biglang humawak sa balikat ko kaya napatalon ako. "Ay butiki." Gulat na sabi ko

"Ganda ko naman butiki!" tumawa ito, tangina bat ngayon pa.

"Ok lang, hindi parin nag sink in sakin na CEO nako! Ang alam ko lang kasi uuwi na ako ng Pilipinas tapos mag ta trabaho, hindi ko naman inaasahan na magiging CEO pala ako kauwi ko."

Ngumiti lang ito, tinignan ko ang mga mata niya, kita mo naman sa mga mata nito na masaya siya. Siguro may taong nag papasaya na sayo no.

"Tara pasok na tayo, baka nag wawala na sa loob yung mga kasama nati e."

"Wait! Diba yan yung necklace na binigay ko sayo?" napansin pa pala niya ito kahit madilim.

"Oo, iniingatan ko kasi ang mga bagay na binigay sakin e." nauna na akong pumasok sakanya baka kung ano ano na naman itanong saakin.

Pag pasok na pagpasok ko palang agad akong sinalubong ni Seulgi at niyakap. "My very good friend! Kawawa ka naman single ka parin hangga ngayon, dapat kasi hindi mo na siya iniwan. Okaya naman pinatulan mo na si Max" hinawakan pa nito ang pisngi ko at pinisil pisil.

"Lasing kana Seulgi, Irene uwi mo na tong jowa mo nag wawala na e." hinila ni Irene si Seulgi papuntang kotse pero nag pupumiglas pa ito.

"Inom pa tayo." Lasing na lasing na ito. "Manoban! upakan mo nga to para matulog na." inis na sabi ni Irene.

Nag bayad muna ako at tinulungan na ang mga ito dahil lasing na rin sila.

"Sigurado ka Chu? Hatid ko na kayo naka inom na din kasi kayo tapos lasing na lasing yang kasama mo. Pakuha ko nalang yung sasakyan mo bukas!" umiling na ito at sinabing ok lang daw kaya niya pa mag drive.

Kaming dalawa nalang ang natira dito, sasakay na sana ako ng kotse ko ng bigla itong mag salita. "Ikaw kaya mo mag drive? Saan kaba nakatira sa condo? Pag drive na kita." Wag ka marupok bobo! Wag kang bibigay tandan mo ex mo yang kaharap mo.

"Ah hindi ok lang, hindi naman ako uminom ng marami." Ngumiti ako dito at sumakay na sa sasakyan ko! "Ingat ka."

Nandito ako ngayon sa office, first day ko ngayon bilang CEO ng company namin nakatulala lang ako ng hindi ko namalayan na may pumasok na pala.

"Ma'am, may meeting po kayo mamaya." Kaumpisa umpisa palang meeting na agad!

Lumabas muna ako para tignan kung nandyan na si Seulgi at para bumili ng kape ko.

Habang nag lalakad ako maraming mga employee ang bumabati saakin. Tinanong ko kung nandyan na si Seulgi! Nandoon daw siya sa station niya.

"Musta na? Inom kapa napapala mo, pasalamat ka hindi kita hinulog sa may tulay dami mong kasalanan sakin." Nag peace sign lang ito saakin at sinabing hindi niya daw maalala ang mga ng yari kahapon.

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon