"Gala kayo ng gala no, hindi ba kayo napagod kakagala? Lagi nalang kayong nag ta travel sa susunod sama naman kami." Sabi ni Seulgi sa kabilang linya.
"Ano ba gusto niyo? Kauwi ko sa Manila gala tayo"
"Bar tayo tapos ikaw mag bayad."
"Manahimik, sama nalang kayo samin sa susunod sa batanes kaso bahala kayo sa ticket niyo ako na sa hotel."
"Daya naman kalako libre lahat." Binabaan ko nalang ito ng telepono, dahil kung ano ano na naman sasabihin niya.
Dalawang araw nalang flight na namin papuntang cebu, galling akong sm kahapon para ibili siya ng regalo gusto ko sanang ibigay sakanya ito pag last day na namin sa cebu para memorable.
"Mag iingat kayo don ha, enjoy kayo kauwi niyo dapat may apo nako." Pag paalam ni daddy.
"Lagi nalang gala love sabi ni Rosie bakit di daw tayo nag sasama" natatawang sabi nito.
Ang ganda mo talaga lalo nap ag masaya ka dapat lagi ka nalang masaya ayoko kasing malungkot ka e,
"Sabi ko sakanila sama sila pag nag batanes tayo kaso sabi ko sakanila ticket iiyak na bulsa ko non pag ako pa sumagot ng ticket nila"
"Mayaman ka naman e, ayos lang yon." Wala na nga akong pera mayaman non. "Hindi pa ako binigyan ni daddy, pinapa freeze na at ani daddy credit card ko e dahil ata sobrang gastos ko pero wala naman siyang magagawa sa kaiisa isa niyang anak"
"Spoiled brat ka talaga." Sabi nito "Hindi no, sadyang love niya lang talaga ako."
Nandito na kami sa hotel room naming isang room nalang dahil nag titipid kami at bibigyan pa naming ng apo sila daddy kauwi. May mga list na rin ako ng mga pupuntahan naming balak din naming mag beach pero mag site seeing nnalang sguro kami.
"Saan tayo una pupunta?" tanong ko dito.
"Sa water falls tayo tapos sa temple of Leah, fort san pedro tapos bukas naman dun sa flower garden atska Magellan cross sa susunod na natin puntahan yung island masyado ata malayo yon tapos bukas yung mga natitira pa natin time dito sa Cebu bili natin sila mga pasalubong atska pahinga para sa La Union may energy pa tayo."
"Copy boss."
Kumain muna kami, una naming pinuntahan ang water falls dahil medyo delikado na dito pag gabi. Wala naman kaming masyadong ginawa don kung hindi mag picture picture lang hindi na kami nag basa sa may tubig dahil pupunta pa kami sa temple of Leah atska fort san pedro.
"Ang ganda talaga ng falls na yon, hindi naman sa first time ko makapunta sa falls pero sa lahat ng napuntahan ko yun ang pinaka maganda" namamanghang sabi pa nito. "syempre kasama mo ako kaya maganda no."
Katapos namin pumunta ng fort san pedro at temple of Leah ay bumalik na kami sa hotel room naming kita naman dito na sobrang saya niya. Kaya kahit maubos na ang pera ko makita ko lang masaya ang babaeng mahal ko gagawin ko lahat.
"Love, dito higa ka sa lap ko."
Sobrang pagod ng araw na ito kaya tumabi ako dito at hinaplos haplos ang buhok ko. "Thank you, ha kasi lahat ginagawa mo para mapasaya lang ako thank you love. Hindi ako mag sasawang mahalin ka kahit anong mangyari. Sa susunod ako naman mag treat sayo punta naman tayong ibang bansa non. Kahit saan mo gusto treat ko." napaka sweet naman nito sana may susunod pa.
"Sabi mo yan ha. Gusto ko punta America tapos sa ano Iceland, sa spain saan paba."
"Dami naman gusto puntahin mag iipon muna ako para makapunta tayo don." Ngumiti nalang ako dito, sana mangyari pa yon mahal ko.
BINABASA MO ANG
Paubaya
Fanfic"pwedeng mag aral ka naman dito diba bakit sa abroad pa?" "iiwan mo nako? akala ko ba mahal moko? bakit moko iiwan?" Chelsey Keith came home, para ipag laban ang taong mahal niya. Ngunit sa kanyang pag babalik ang taong pinapangarap niya ay ikakasal...